Thursday, December 30, 2010

Limang Tulang Alay Ko Kay Rizal



1. Heksagram 13, Para Sa Aking Ka-Tulaan

Nakipaghuntahan ka sa iyong kapwa
sa sala ng iyong tahanan, at wala
akong nakikitang kamalian. Tunay
na itong pakikisalamuha mo'y hindi
dahil sa isang biglang pagkapukaw

mo sa mga nakamamanghang sarap ng
pakikipag-kapitbahay. Oo, maaaring
ang papel mo rito ay di sinasadya,
ngunit ang aking masasabi, kumare,
manatili tayo rito at tuloy-tuloy

na makipagtalakayan, dahil sa kung
sa kapamilya lang mananatili, tayo
ay magsisisi at bilang ang kasama.
Ito na nga ang panahong kailangan
ang pagkakapitbisig nating mahaba

at malawak, di ba? Sabi mo pa nga,
hindi tayo snobs, pare, di makitid
sa pananaw ng nakararami. Subalit,
itago muna natin ang mga patalim,
at magmasid muna sa tore ng ating

mga nalalaman; baka di napapanahon
ang ating pagbunyi ng esoteriko't
heto at kahahakbang lang patungo
sa gitna ng lipunan, sa kalipunan
ng mga di makasariling mamamayan.

Ang pinunla natin sa harding ito
ang tanging tiwala na hindi tayo
sasaksakin sa likod, di hahamakin
sa tunay nating pagyakap sa bagay-
bagay na di natin noon maunawaan.


2. Heksagram 29, Para Sa Aking Donor

The floodwaters of the English river will
       soon break the levees
of the Tagalog purists, my friend; do you
suppose we should do something to help it?
Pero teka lang, kaibigans, your own Englog
is by itself an Order unto itself, needing
no orderly to housekeep its ways, tama ba?
Why even bother to keep Tagalog pure, putsa,
to satisfy your nationalist illusions, when
you yourselves belong to them Englog malls
where the price of the same bread is hiked
to suit your high-end delusions? Calling
Anthony Bourdain & all those peasant food
pretensions of his at nang mapakain nating
lahat ng mga ka-mall niyo ng kamayang totoo,
Creole food talk in all this Creole talk
from all the classes.
                       I say, pare,
huwag mo nang problemahin ang mga problema
namin, just take comfort in the fact that
our language's waning purism is no less of
an Order than the ongoing mess of your own.


3. Heksagram 27 Para Kay Hesus ng Nazaret, Kay Brecht, at sa Bawat Makatang Nakapila Sa Sweepstakes

First of all, huwag kang maiinggit sa mga
   kari-kariton ang yaman.
Pangalawa, may simpleng yaman kang makakamit
   sa araw-araw.
Pangatlo, may mga gawain kang lingid na sa
   'yong bulag na paghahangad ng yaman.
Pang-apat, heto't ika'y pinagpalang nagnanais,
   at may mithiin pang yaman!
Ngunit sa gitna nito, walang kamalian . . .

lalo't tanaw mo'y pagkainggit, diskuntentong
   pagkapagod, mga mali at walang humpay
na pananaginip ng buo mong tulog na pagkatao
   na maya-maya lang ay magigising.


4. Heksagram 12 Para Sa Mambabasa

Sa ating multicultural world,
ang wikang hinati-hati ng
mga tore ng ating boundaries
at prejudices at comedies.
Matuwid man ang gawin mo,
makasisiguro kang mamasamain
lahat ng utopia ng isang grupo.

Reader, manatili ka sa walang
saysay na tulay at matatanaw
mo ang komedya ng Pragmatismo.
Kailan ba kailangan ang mga
bagay na kinailangan, ang
mga bakod at bakuran na di
madadalaw sa paglalakbay ng

iyong katawan o pang-unawa?


5. Heksagram 60 Para Sa Mambabasang Pilipino

Teka nga muna, teka.
Teka, teka, teka. Teka lang,
teka. Ano ba talaga
ang balak mong makita?

Tulad mo, ako'y sarap na sarap
sa panggagaya, pagpalakpak
sa banyaga man o Bisaya,
sa galing ng itinuring.

Subalit di ba mas sapak
ang ipasak mo ang lahat
sa pagkatao mong wasak at
makita mong iyo na lahat?

Pumalakpak ka at gumaya.
Gamitin ang magagamit at
ang di swak ay iwaglit.
Manggagaya? Teka lang, teka.

Friday, December 24, 2010

2 Tula


1. Hot Tsismis ng Pasko

Anong "tula, tula, mahal kong Tula!" ang pinagsasasabi
mo, di ba't dito ka rin mauuwi, sa dambana ng
kumikinang na simbahan, mabangong restoran, matamis
na eco-park, maluwag na videoke booth, mahalay
na furniture shop, marupok na Cinema, taimtim na
department store, matuwid na zoo, magalang na city hall,
matalinong library, bobong skating rink, matunog na
duckpins hall, bulag na bars, mala-langit na resort,
mala-impiyernong Jacuzzi, mapanghinayang na rides
at arcade games, inspiring na mga gadget shops,
perspiring na pizza parlors, pare-parehong cd music,
patay-sinding Christmas trees, atbp. . . .
                at hindi sa terrazzo walk
ng sarili mong barung-barong ka maglalakwatsa,
ikaw at ng iyong thirteenth-month pay, di ba? Sigurado ako:

sa coffeehouse mo dadalhin ang iyong mga libro ng tula
at babasahin ang mga linyang sumasayaw lang sa harap
ng magagandang taong may mga tula rin sa labi na
kung susuriin . . . ito'y may hot tsismis ng Pasko, ang
paksiw na paksa ng tulang itong naghihintay sa 'yo
           sa cold front ng iyong terrazzo.


2. The Godfather

Pasko, Pasko, Pasko. Pasko na namang muli at muli
kitang nakitang naglalaba ng costume mong Sta. Claus
para sa santong Biyernes ng gabi, ngayong 2010 Dis.
Muli na naman kitang naamoy, na para bang kasama
ka sa mga baboy at manok ng iyong adobo, ng 'yong
menudo, ng 'yong arroz caldo, at ng iyong piniritong
polvoron "for the poor," sabi mo. Sino ba ako? Ako
po ito, Ninong, mano po, Ninong, kumusta po kayo?
Kumusta po ang cancer ninyo, balita ko may sampung

taon pa kayo bago mapanalunan niyo ang lotto sa
Langit na balita ko, ayon kay Monsignor B. Nucboc,
ay nakalaan sa'yo at sa mga tulad mong pinagpalang
Santa Claus ng munisipyo. Puwede po bang makisakay,
Ninong, at nang ma-video ko ang tour niyo sa Putikan
Street ng mga squatter sa baryo at ang paghahanap
niyo ng ninakaw na kampana ng kapilya? Puwede? Ang
totoo niyan, Ninong, kaming mga nabubuhay na patay,
isang taon naming hinintay itong pagsapit ng Pasko,

di tulad mo, sampung taon pa bago matulad ka namin.
"Haha," sabi mo, "sa'n mo ba nanakaw iyang videocam
mo? Aminin." Sa iyo po ito, bigay niyo! Kaya pangako
ko sa 'yo, mula ngayo'y irereport ko ang kadakilaan
niyo, at ang sikat nang katamaran ko. Tugon niyo, "di
tamad ang mahihirap na tulad mo, hijo, namulat lang
na walang kapital, di tulad ko, may namanang talento
at titulo, at tipikal na pulitiko!" Akala ko po ay
negosyante kayo. "Amen. Sponsor ng meyor dito. At

nang siya'y mamatay, ako ang naging bagong Ninong
ng baryo, ako ang naging bagong mabait na Ninong mo."

Wednesday, December 15, 2010

Para Sa Ating Mga Walang "Dignidad," Nasaan Ang Dakilang Espiritu Sa Likod Ng Mahiwagang Teknikalidad? (And Trust Must We In Which God?)



1. Sigawan Sa Gabing Madilim Sa Lumang Rehimeng Mahalay

Tulad mo, ako'y minsa'y nawawalay sa mga anak.
Sino'ng makapagsasabing di sila mapapariwara't
Mababarkada sa mga binata at dalagang bulakbol,
Puro basketbol ang alam, mahal na shabu, shabu-
Shabu matapos mag-inuman? Sino? At sino silang

Makapagsasabi na malayo ang aksidente, disasters
The moment---or the Drugged Emotions---permit?
At pagdating ng lahat sa pa-Inglesang magaling, sa
Imbestigasyon ng pulis at ng mga abugado, katulad
Mo ano ang magiging laban ng kawalan kumpara sa

Impluwensiya ng gumugulong na inipong pera para
Sa lahat ng hahawak, susunog, maglalakad, magma-
Magic, mag-lologic, mag-iinterview, mag-rereview?
Tragic magic. Ipapasa-Diyos na lang ang namatay ko?
Mga Diyos-Diyosan ng bayan, kaninong Diyos ba ako

Ngayon tatakbo? Sa Jews'? Saan? Saan?! SA-AAN?!!


2. Martsa Ng Bagong Umaga Likod Ng Lumang Korteng Matakaw

Sa sarap ng agahan ninyo di niyo ako napapansin.
Meron sana akong sasabihin, pero alam ko ring

Wala ritong tatanggap dahil ito'y pisong salita
Lamang. So, okey, di ko ipagpipilitan, ako ay

Pipilipit na lang muna, at alam ko namang sa di
Maiiwasang pagliko ng hangin mayroong dadakpin,

May iipitin, may lulutuin ang bagong Haring-Araw. . . .



-------------------------------------------------

FREE TRANSLATION FROM THE FILIPINO BY THE AUTHOR


For Us Non-Dignitaries, Where's The Great Spirit Behind Mysterious Technicalities?
(And Trust Must We In Which Deities?)

1. In An Old Lustful Regime, A Dark Night of Screaming

Like OFW you, I need to be away from my children.
Who is to say they won't lose their way too and
Be mates with the stray young men and women who
Talk about nothing but basketball, dear yah bah,
Or shabu-shabu after the binge? Who? And who can

State accidents are so distant, those disasters
The moment---or the Drugged Emotions---permit?
And when everything reaches Anglicization point
At the investigations by the police and lawyers,
Like you what can meager means muster compared

To what influence can wheel out monetarily to
Each one handling, burning, walking, creating
Magic, waxing logic, interviewing, reviewing?
Tragic magic. Do accept my dead as God's will?
To the gods in my country, to what Deity now

Do I turn for help? Jews'? Which? What?! WHO?!!

2. Behind An Old Greedy Court, New Morning Marching

You're so enjoying your breakfasts you don't notice me.
I actually have something to say but I also know

None will accept it being a mere peso of a
Word. So, okay, I won't insist, I'll stay

In my corner pit, with the knowledge that in the
Inevitable turn of the wind someone will be trapped,

Be framed, the new King-Sun cook up something for you too.

Monday, November 22, 2010

Art Na May Taste Kuno


Katukin mo man nang katukin ang konting kontak mo
sa mga kritikong bulag sa kalamnan ng kinaiinisang
kalaboso, malamig pa rin ang himig nitong tula mong
musmos pa sa tumatanda nang sigaw ng mga siglo ko.

Ikaw si makatang makatao, sila si estetikong hari
ng style at smiles sa aisle ng Cultural Center niyo.
Ako, sino ba akong wasted na nagmamasid sa kultura
ninyong bumaon na sa lalamunang kumontak sa Taste?

Haste makes waste, ika nga, at late na ang lahat
para maayos pa ang puno ng duhat sa hardin ng rosas.
Hala, ipagpatuloy niyo yan at baka umulan, buwanan
pa naman kung kumita ng stipend sa binuwayang buwis.

Huwes daw akong inggit laang. Sabi ko naman, abugado
sila sa mga krimen ng nakasanayang kawalang-saysay
na sumasayaw sa entabladong di pinapanood ng tao
kundi ng mga matatalinong gago sipping wine sa likod

ng pinto na kung kakatukin mo, walang lilingon sayo.
Ganti lang siguro sa ating di sumipsip sa soprano.

Wednesday, November 17, 2010

Sa Pagpapakamatay ni Itay (o, Lupalop)


Ninakaw ng isang manlalakbay ang baka.
“Baka ikaw,” sabi niyo, “baka pati baboy ko
Dinala mo sa kung saang lupalop mo man
Dinala iyon.” Pinaratangan ng barangay,
Isang sakuna sa kapalaran ng aking Itay.

Malas. Walang masamang tinapay pero
Minalas. Buti na lang at tinanggap ni Itay
Ang tadhana? Binura lahat ng asa sa abugado,
Lahat ng gustong mangyari, sa naramdaman.

Ngunit naro
’n kami’t pinilit siyang umaksyon
Ayon sa nararapat na aksyon, ayon sa
Kinakailangang mosyon! Ayun: siya’y kumilos
At sumilong sa nakaambang na puting ambon.

Lingid sa kaalaman ng baboy na abugado,
Lingid sa damdamin ng tao, ang lupalop
Kung saan dinala ang pag-asa, kung saa’y
Walang masamang tinapay ang tadhana.
Ninakaw ng isang baka ang manlalakbay!

Hustisya, aksyon? Makaaasa ka sa ambon!

Tuesday, November 9, 2010

Requiem Para Kay Ophie (Dimalanta)---Makata, Kritiko ng Wika


Taong 1987 sa barko papuntang isla ng Bohol galing ng Dumaguete,
naghuhuntahan kami nina Ophie at ng mga writing fellows
ng Silliman University National Writers Workshop
tungkol sa isang verse at chapter sa Bibliya na di ko na matandaan.
Ibig kong sabihin, kahit anong teksto pag-iinitan ni ma'am
Ophie. Sabi nga nya, itong aming mga panelists na makata,
sina sir Krip, sir Cirilo, sir Cesar, ay tila mga knights na
ng bilog na mesa ni Mom Edith at Doc Ed (mommy ng workshop
at doctor of philosophy Ed, founders), dahil . . . bakit
nga ba sa Pilipinas lahat ng guro ay ina-address bilang sir
o ma'am, lahat ng lawyers Attorney, lahat ng engineer
Engineer? At lahat ng PhD "doctor." Kaya, Doc Ophie na rin.

Ikaw na nakakakilala kay Ophie, naaalala mo nung nakipaghuntahan
ka sa ating Ingleserang Ophie tungkol sa gamit ng mga pulis
ng salitang "salvage"? Kasi nga naman, bakit nga ba ang summary
execution gagawing salvage ganung itinapon mo na ang tao, unless
ang ibig mong sabihin ay i-sasalvage mo ang kaso after itapon
nung corrupt na piskal o huwes. At noong kayo'y naghuhuntahan
tungkol sa pidgin at bastardized English nating mga Pilipino,
may tumawag ba sa kanya sa telepono, at nang sagutin
nung sekretarya'y sabi: "for a while." Nagkatinginan ba kayo
ni Ma'am Ophie o Lady Ophie o Doc Ophie o Simply Ophie?
Nagtawanan ba kayo? Oo nga naman, bakit nga ba itong "hold on
a minute please" ay ginawang "for a while" gayung Inglesera na nga

itong boss mo, hija, nakakahiya ka. :D Anyway, wala na si Ophie,
o kung tawagin pa ng kanyang mga estudyante na tila kinatuwa pa
niya: Dima, short for Dimalanta. At alam niyo bang sa Pilipino
ang ibig sabihin ng "di malanta" ay plant that won't die? Pero
huwag na nating pakialaman yan, walang pakialamanan sa apelyido,
ha. After all, marami sa ating me Espanyol o bastardized Spanish
na apelyido kahit indio naman ang mukha. Tulad ko, na minsan pa
nga tila intsik ang bigote pag humahaba na. Bakit nga ba hindi
nanatili sa atin ang mga apelyido na tulad ng Dimasupil,
Dimaculangan, Puting Ulap, Berdeng Yero? Anyway, wala na
si Ophie, at---tulad ng katawan nating lahat---malalanta na rin.
Maliban sa mga alaala tungkol sa kanyang pagka-makata, -kritiko,

-Inglesera, -isnabera, -masayahin, -mabasahin, -masalamin, -tao,
-mabait, -magaling. Kaya heto kami sa 2010, sa paghinto ng edad
niya sa bilang na 78, sa solemnong espasyo ng chapel nitong
kanyang mahal na Unibersidad ng Santo Tomas. Kung makakausap
lang namin ang kaluluwa niya, magsasaya na siguro uli kami
na tila nasa nakalutang na barko tungkol sa "necrological service"
na ito para sa kanya. Marahil ay sasabihin ni Ophie, o Simply Ophie,
"para naman kayong---hindi mga knights kundi---
mga privates sa Saving Private Ryan na in-assign ng kernel niyo
na gumawa ng necrology o listahan ng mga namatay bilang service
niyo sa armed force service." Bakit nga ba naman pati ang isang
makatang Inglesera ay hahayaan nating bigyan ng funeraria

at kapilya ng isang "necrological service"? Sabi pa nga ni
Butch, dakilang nobelista, tila tayo lang sa Pilipinas
ang gumagamit ng "fictionist." Pero okey lang daw iyon, dahil
hindi naman mali, parang nahihiya lang dahil karamiha'y short
story writers "lang." Anyway, balik tayo sa necrology. Binasa ko
hindi ang isang listahan ng mga patay kundi listahan ng "guests"
o bumisita o naghatid sa katawan ni Ophie o Simply Ophie
sa huling araw ng kanyang katawang presensya. Ngunit maiba ako:
kaninang umaga nabasa ko na naman ang clip tungkol sa kanya
sa dyaryo. Siya raw ay ang UST poet na si Ophelia Dimalanta.
Paalam, Ophie. Parochial na ang poetry ngayon. Una, dinissolve
ng UST ang pinaghirapan mong Creative Writing Center. Now,

mga makata'y paghahati-hatiin namin sa UST poets, UP poets,
La Salle Univ poets, Ateneo and so on & so forth. Paalam na, Poet.
Paalam na, poets. Puwet ng baso na lang kayo sa inuman ng bansa
na umaawit ng awit ng mga komedyante ng mga pakontest sa TV.
Pero, teka nga muna. Bakit ba mag-rerequiem? Ba't magrereklamo?
Ikaw itong nagbigay inspirasyon sa sangkaterbang estudyante
na di nag-nursing o nag-engineering o nag-medicine o nag-law
kundi nag-lit sa iyo, lit by the lightning of your stare
and star system, kahit alam naman natin na palubog na ang araw
ng mga makata sa paglago ng business district ng Makati. Kati
ng bulsa ang kinakamot ng lahat ng akademiko tungong mga kurso
ng skilled workers for the human resource GDP for Sirs, Ma'ams.

Sige, kami'y magpapaalam, ngunit asahan mong isasalvage namin
ang kaso, at makikita mo ang prutas ng turo mo. "For a while ha."

Friday, November 5, 2010

Tayong Nakararami


a. Lawang Walang Pangalan (at ang Dike)

Tikman nang malasahan ang sarap ng lawa sa guniguni.

May bukas nga. Heto ako’t gising na sa bagong umaga

Kaakibat ang walang-sawang kakayahang magpasarap

Sa mala-santong kawalang-nais: walang nakaeengganyo,

Walang nanghihimok at walang nakakawalang-respeto,

Lahat ng bagay sapat, at makakaya ko pang magpasarap

Palutang-lutang dito sa gitna ng lawang tapat na hindi na

Lumilingon sa pinanggalingang lupa, tanging hinihintay

Ay ang pagkagunaw ng payapang bangka. Huwag kang

Maiinggit sa akin, o mahiyang lumapit; maski ikaw man

Ay makatatanggap ng ganitong sarap sa mabagal mong

Paglapit. Sasabihin ko na sa iyo kung saan ko ito nakita:

Di ko inihambing ang linamnam ng gintong tuyo sa foie

Gras ni Chef Jamonitang masarap. Tanggap ko, kaharian

Ko’y wala sa mga araw, buwan o taon, kundi sa gapang

Ng walang-hanggang kasalukuyang di sinusukat ang asim

Ng mga bagay, kundi ang pagtanggap natin sa bawat isa

Sa mga ito, na titikman nang malasahan. Oo nga’t minsan

Ay may pait ng pagkakamali, ngunit ang mali ay di mali

Kung kinakailangang mailapat ang pait sa dilang mamaya

Ay dadampian ng tamis. Walang mapait o matamis man.

Kapwa’y elemento ng bangis ng recipe ng buhay. Kayo’y

Hihimukin ko sa sarap na narito mula pa kahapon. Ako’y

Kulong daw ng pagkakuntento, sabi niya, ngunit ang tao,

Pag kuntento, ay di maaaring makuntento. Konsepto ko’y

Walang pagtingin sa kakulangan o kasapatan. Konsepto

Ko ay walang pakialam sa mga konsepto, nararamdaman

Ko’y hinahayaan ko lamang na magasgas sa dingding ng

Nakasanayang sarap na di na masarap o mapait, tanging

Naiwa’y ang dingding na gasgas na iwan ng pakiramdam.


b. Nasaktang Planetang Walang Partido

Makabubuti sigurong sumakay na sa matuling kabayo

Kapag nasugatan na, ang parating na mga itim na ulap

Ay maaari pang takasan, maaari pa tayong maisalba,

Tayong nakararami, tayong maaaring magkapit-bisig.

Sa teknolohiya natin, mapapaslang ang lider ng Dilim.

Ngunit huwag umasang di na ito muling mabubuhay

Sa katauhan ng kanyang mga alipores; bawat alalay

Ay lider na buhay sa umiikot na mundo ng kaaway.

Huwag kang magrerelaks, Max, mata mo ay talasan,

Ang dilim ay may dalang aral: sa mundo, magkakaiba

Ang pananaw, may kanya-kanyang konsepto ng mabuti

At marangal, at sa pagkakaibang ito lipuna’y nahahati

Sa dalawang importanteng impormante ng mga talino.

Ang kaliwa, kanan, gitna o anuman ay mga intereses

Na kapag kinutya ay di magpapatawad, ang masaktan

Ay gaganti sakay ng kabayo hawak ang punyal ng ulap.


c. Ang Diyos ni Spinoza

Kung natural at di artipisyal, nararapat na kumilos

Sa natural na kilos ng mga tumatanaw sa batas

Ng Natura, sa talinong wagas ng Natura---kahit

Ito ma’y si Kuro-kuro, ito’y Pisiko, Matematiko.


d. O, Salbabida

Ako’y nakapako na sa aking mga panaginip,

Di bibitiwan hangga’t di naiidlip. Ito ay salbabida,

Ito ay alituntuning sinusunod ng aking kaharian.

Ito ang binabantayan ng mga tao ko, ang hari nila’y

May hari sa panaginip kong ito at sinusunod ko

Na parang utos, na parang unos ng kaligayahan.

Lalanguyin ng hari ang army ng kalaban, Salbabida.

Susubukang lunurin ng kurapsyon & kamatayan, Salbabida!


Sunday, October 24, 2010

Bilog ang Mundo Rito (Sa Slum)


Something's cooking pa sa kalan,
   wala pa ang enemies natin.
Alam ko, kaiinggitan ang ulam
   nating nakahain, na naman,
ang linamnam nitong bunga
   ng paniniwala sa matuwid
na pamamaraan, na walang
   pagmamayabang, kung kaya't
di dapat kainggitan sapagkat
   kung merong dapat pagalitan
ito ay ang Maykapal, dahil tayo
   ay witness lamang, niluto
lang natin ang nakita sa bakuran.

Lahat ng tao'y may bakuran, o
   kung wala man may maituturing
na yaman. Mula Baclaran . . .
   hanggang Bulacan o hanggang
Bataan, ang mga walang bahay,
   ang mga squatter lang, gising
na sa umagang maituturing na
   biyaya ni Bathala para sa
isa na namang araw sa digmaan---

   hindi pakikidigmang kikitil
ng buhay kundi ng nabubuhay na
   pangingibabaw ng kasakiman
at kawalang-pakialam sa hindi
   nagkamalay sa inherited wealth.
To health! Itaas ang kape, at
   tikman na natin ang nakahaing
simpleng nilagang itlog, & marami
   pang gagawin sa mundong bilog.

Thursday, October 14, 2010

Nawawalang Fan Kong Si Nena (o, Hide en' Seek)


1. Geography & Travel

Okey, alam ko, ninais kitang mahanap, makapiling,
Ngunit ni kalahating hakbang man lang di ginawa,
Di naawa sa sarili kong pag-iisa. Okey, okey, mali
Yon. Awang-awa ako sa sarili ko, I know that, pero
Ang nakikita ko'y pagkapilay ng tadhana, kawalang-
Hakbang ng mga kabayo ng paralisadong pagnanasa.

Guilty ako. Ako, akong sa napakahabang-panahon ay
Walang ginawa kundi ang maghintay na unahan mo ako
At kausapin mo, gayung alam mo namang pipi ang mga
Pagsamo ko sa bulag at tanga mong pag-ibig. Alam ko
Ring wala kang ibig kundi ang makita ang hakbang ko
Na humakbang pa, bagamat habang-panahong naging

Bingi sa mga di ko marinig, di maintindihang mga awit.


2. Geography & Travel 2

May panukala akong gustong ihain sa hapag-kainan
     ng ating lipunang maka-sining.
Ngunit ilan ba sa inyo ang mahilig sa suman, ilan
     sa paella o hamon o foie gras?
Kakausapin ko pa ba kayo sa coffee shop mamaya
     o didiretso na tayo sa carinderia?


3. Geography Untrammeled

Ano ba ang ibig sabihin ng pagmumuni-muni?
Is it all about money? Or poverty? Or death?
Pwede bang magmunimuni sa absence ni Beth?

Wednesday, October 6, 2010

Mga Talunan


1. Soneto ng Isang Homeless Bangus Sa Laguna de Bay

Sa gitna nitong mga kulog, kidlat
Alam kong ako’y mangangatog,
Mangangatal, mabubuwal, ako’y
Mapapahiya, hihiyain, kukutyain,
Pagtatawanan, ipagtatabuyan,
At ako itong di alam ang gagawin
Sa pagsapit ng maulang dilim
Sa labas ng hawlang maliwanag—
Sa loob sila’y nagpapaliwanagan.

Wala akong nakikitang idudulot
Ng anumang gagawing Aksyon,
Kaya sa nakaakmang mga sakuna
Ako’y lalayo, tatabi, gagapang,
At lilihis ng landas sa inyo rito—
Pagdating ng bagong Pasyon.


2. Mabuti Pa Nag-Swimming Na Lang Kaysa Nag-Sining

Sige, batikusin mo ako sa batik-batik
Na dampi ng brushstrokes sa canvas,
Aking paghahangad ng malangis na
Kinis at dulas, at pinagsisisihan ko
Ang landas na pinili ko—bakit narito?

Nagtatawanan na ang publiko, kritiko
Silang asar na asar sa aking mga mata,
Nagtawanan sa aking pagkabuwal sa
Gitna ng pinto kong tanaw ang mundo,
Ang kalawakang ginagalawan ng tao.

Ako ba’y tutuloy, lalabas, tatayo, lalakad
O tatakbo, gayung alam kong walang
Sasaklolo sa lupang ito, walang ilaw sa
Mga daan at walang salamin man lang, di
Ko masid ang reaksyon ko sa rebelyon mo?

Kailangan ko ang makinis at madulas na
Landas! Oo nga, ako’y nanganganib sa aking
Tinatahak, tagumpay na habol, minamadali,
Ako’y masyadong maaga o labis na nahuhuli.
At maselang kang di mapalagay sa akin,

Isang nerbyoso, adelantado, akong na-late o
Biglang nawala, nagmadali sa paghahanap
Ng makapagpapahinto sa takbo ng aking
Ligaw na kamay-sining. Pinagsisisihan ko
Ang landas na pinili ko—bakit narito?


3. Mga Makata

Sunod-sunod na balakid, sunog
Na ang kilay ko sa kasusulat nitong
Mga talatang ang tanging misyon
Ay ambisyon, at bagamat bisyon
Nito ang konsensya mo, paghimok
Sa iyong huwag bibitiw, manatiling
Nakalitaw na kapwa ko buteteng
Nalason ng nakapapagod nilang
Solusyon, Kongreso ng Pilipino,

Mananatili kayang kapit-bisig mong
Maaaninag na nakalutang, buhay
At handang-handang magpakamatay?


4. Don’t Be Cowed by, Halimbawa, the Big Mac

May sungay ka man, suwayin
Ang sermon ng katapangan, at
Ang araw ay magiging maganda
Para sa pagdamo mo sa bukid.

Di ka mamumula sa pula ng
Bandilang naaaninag sa gubat,
Di ka manghuhula kundi may
Simpleng ikikilos pauwi, uuwi.

Walang masasaktan, at sa gayun
Mabilis nating mararating itong
Hinahangad na hamburger para
Sa lahat sa ating minatamisan.

Minatamisan ng kiss ang mais
Na nais para sa bayan, at ikaw
Na nagsabi noong, no!—baka
Wala nang pag-asa, baka, baka.

Di ba’t tatalunin ang Big Mac
Ng murang halaga, halimbawa?


Tuesday, September 21, 2010

Nicean Greed


Fully aware of what I seem to be doing, ako'y wala nang magagawa
Kundi ang ipaalam sa sarili ko sa dilim na this has happened already,
I can't do anything anymore about it, kaya huwag nang isip-isipin pa

Itong sitwasyon, mga pagkakaibigan o pagsasamang nasira, sinira.
At bulong ng konsyensya ko sa dilim, you can't deal with it, can you?
You ought not! Mula ngayon, do'n ka na lang, ke Arius? na malawak

Ang pag-unawa, pasensya, talentong magpakumbaba, sa mga liberal
Kung kanino ang mga sitwasyon, walang pagsasamang magdadala ng
Giyera, maliban na lamang kung nandyan na si Theodoric the Great.

Dahil, unang-una, pare-pareho tayong uhaw, pare-parehong gutom,
Lahat tayo nag-aambisyon pa lamang na makapagtayo ng relihiyon
Na lalaban sa posisyon ng Lumang Roma tungkol sa subject na Truth.

Ilabas ang blood broth, ipasapasa hanggang sa dulo, mga pare/mare,
Lahat tayo, we believe in God, the Father Almighty, and the Son is
The Sun? Whoa, pagtatalunan na naman ba natin yan? Mag-inuman

Na lang tayo ng dugo ni Kristo, break bread! Unless---negosyo na 'to.


Friday, September 17, 2010

Ilabas, Ilabas


1. Tatanggapin Mo Ba?

Ako'y narito na, alam mo ba, kumakaripas
Sa runway bago ang aking inasam na flight
Tungo sa iyong pagbigay-pansin. Ano ang
Masama ro'n? Alam ko namang kasalukuyan
Kong pagpipilian ang dalawang ideyalismo.

Ang una, magsisilbi sa 'yo bilang laman
Ng puso ko, ang pangalawa tungong langit---
Hindi dawit ang mga santo kundi higit do'n
Sa pangit na asal ng di pakikialam, busal ng
Pagkawalang-ideyolohiya, tanging sunbather

Lamang sa beach ng D-Day ko. Yawa, inday,
Ngayon mo ako pinapipili na magagampanan
Ko na ang kahit anong direksyon. May kapital,
Ako na ang kapitan, kapus-palad ako noong
Nakipagkontsabahan sa mga salamangkero.

Ako'y narito na, alam mo ba, nakakalas na
Mula sa aking hangar palipad, at hindi para
Ma-hanger muli kundi maakit ang siguradong
Mga sagot mong oo, sige, sige, oo. Pipiliin ko,
Pipilitin ko, ang makabubuti sa iyo, mahal,

Although walang garantyang mabibitawan
Ko ang matagal ko nang inasintang pagtula,
Pagpabola, o pagbulalas ng mga likha; oo't di
Ito makabibili ng trust fund ng bata, pero ba't
Ba natin iisipin iyon, love? Mabubuhay tayo

Sa dasal! Ilabas ang inasal ng bagong kasal!


2. Mulat Na Kristiyanong Saya

Di dapat maghari ang hangin ng tadhana
Sa layag ng kapilyuhan. Mangyari pa'y iliko
Ang Titanic na kasaganahan bago ang yelo
Ng pagparusa at pagbawi niya'y lantaran
Na maghayag ng kanyang gabi at lamig.

Dahil, firstly, alam mo ang kasaysayan.
Pangalawa, mulat ka't ang tanging lumpo
Sa iyo: yamot mong bulsa. Ilabas ang balsa,
Itapon ang balisa mong pag-panic, alerto
Kang sumabay sa alon hindi dahil ayaw

Mo nang lumaban sa hangin, kundi alam
Na alam mo kung kailan ka bubuwelo ulit
Tungo sa nakadungaw at di na umaasa pa.
Ilabas ang balsa sa tamang oras. Waldas
Kang nagpaparaya, masdan ang tadhana:

First of all, alam mo ang mga parating.
Hindi pating o kalansing ng nawalang lotto
Mo kundi simpleng kumot na gugulat 'pag
Nagising ka mula sa iyong mga panaginip
Sa malamig na ihip. Di ka magpapanic.

Thursday, September 16, 2010

Tagayan sa Kubo sa Disyerto


Tingin ko ako'y magtatagumpay,
Tatalon sa fence, pare, tatawid
Sa wasak na tulay at makararating
Sa pampang ng inasam na kabilang
Kasagana'an. Yeah, pare, I believe

So, so huwag na akong magmukmok
Sa kasalukuyan, tumingin na lamang
Sa malayong rainbow of all skies,
Everyone's mirage, pare. Hala, tagay.
Pero alam ko rin, di ko matitikman

Ang prutas ng itinanim kong puno,
Di makikita ang wagayway ng dahon
Sa hangin ng mariwasang gubat
Na bukas ay beberde sa ating asul
Na kayumangging mga awiting

Tila hanap nang hanap ng isdang
Mapupulutan man lang. Sige, tagay.

Friday, August 27, 2010

Labas-Pasok


1. Lumabas Ako't Nag-Hi! Sa Mga Kapitbahay

na nakayuko sa mga tasa ng pang-umaga nilang
mga reklamong kape na nagsasabing, "what's

happening to our country, ladies & gentlemen?"
Tila nga magulo itong bayan natin, no? ayon
sa mga dyaryo, sa radyo, sa television screen,
sa mga barbero, mga manikurista, mga aso sa
      isang Mansion.

Napagod ako sa pakikinig ng mga katotohanan
kaya nag-internet cafe at nagpasyang dumayo
sa Somalia, ngunit tila ganun din ang sigaw
ng kanilang mga dyaryo, barbero, at mga
      bayolenteng tribo.

Lumipat ako ng New York, at di nakuntento.
Ganun din ba rito, walang balita kundi gulo
tungkol sa korapsyon, pagkainutil, police
violence, a lost museum violin, drugs, racism,
      rape, homelessness?

Nagtungo nalang akong Hongkong, & DisneyWorld,
nakibalita sa kanilang mga radyo, TV, Triads,
mga katulong, mga alipin, mga walang ngipin,
sa magaganda sa casino, sa masasarap magluto.
      Hindi pala

puro Disney World dito. Dito rin pala ay may
mga sirang-ulo, may mga walang-makain, merong
putol ang daliri, may putol din ang kuryente,
patay ang panalangin. Mayaman nga, di pa rin
      libre sa gulo

ng mga pulitiko, mga magnanakaw, mga gangsters
at stockbrokers. Kaya nagpasya na akong, sige,
umuwi na lang ng Pilipinas, magbasa ng dyaryo
natin, makinig ng radyo, sa mga barbero, sa
      mga tambay sa kanto.

At natawa ako sa nakita ko uling gulo rito.
"Hay naku," said my lola. "Sa Pinas ang gulo!"

2. Pumasok Ako Pagdating Ni Bigote

Ang bobobo nating mga Pilipino, said Bigote.

Balahura, mandaraya, walang disiplina, buwaya.
May crab mentality, magayak sa hospitality,
Why can't we be like in other countries, where
The people are educated, streets washed w/
      detergent?

And the cops are well-trained and honest, and
The parties are the best, and everyone's united,
Pragmatic, individualistic, I'm always excited.
Why can't we be like that? "Uh, xenophobic?
      Bigoted?"

It's Wrong To Mistake Noodles for Earthworms, Mendicants for Monkeys


Tama si Elias Canetti, ang masa
ng bawat nasyon ay sing-hangal,
well, akin na lang 'to, sing-sira
ng pinakamatalinong bookworm
na nangangating makapasok sa
mga puwang ng kalupaan upang
ipahayag ang kaniyang matagal
nang tinatago, o nagtatagong,
mga pagkasuklam. No such thing
as an intelligent race, pare,
sabi ko sa kumpare kong pinalayas
ang asawa ng amo nito sa HK,
nang walang 401K, dahil lamang
kababayan nito ang namaslang
ng ilang turistang Hongkongese
sa lalawigan ng Capiz. Ano naman
ang kinalaman nung katulong,
na asawa ng kumpare kong
nilalagok ang natitira niyang
Tsingtao sa ref? Sabi ko, tama
si Elias Canetti. Ang masa ng
bawat bansa, maging ang sa atin
noong kasagsagan ng pagbitay
kay Flor Contemplacion, ay sing-
hangal at -talino ng bulate.

Ang konstitusyon ng masa ay utak
ng deadly bulate. Ang mga tanong
nito ay di interesado sa mga
sagot. Ang hangad nito ay mapasok
ng pagkasuklam ang mga siwang
ng katawang matagal na niyang
di maintindihan, parang sa pekeng
radyong gawang-HK o droga sa pakete
na di mo matimbang ang lalim ng
kaakibat na korapsyon, kaya what
you do is wriggle your way into
their physical bodies with derision,
spitting acid on their faces,
stretching proudly like a flag,
spinelessly expressionistic, like
MSG'd stale Chinese noodles na kung
tawagin namin sa Capiz ay pansit,
whose nationalism though blurs as
slurps are heard all over the world,
blaming none but itself like a cook.

But a leader holds a wok, masses talk;
stock exchanges beggar their neighbors
like fish hook. Kaya tayo, mga utak-
bulate, 3rd World victims of others'
prosperity, being consumers solely,
dahil lang may taga-HK na nahuli
sa airport natin na may dalang
mga mapanirang gamot na di itim,
raratratin na rin natin ang
lahing yamot, spitting out buns,
tearing Cathay Pacific tickets,
na para bang tayo ay mga bulate
na sing-talino lamang ng bookworms
na nangangati? Tama si Canetti.
All mob worm species everywhere
is wrong, is dangerous, is crazy.

Monday, August 23, 2010

Mas Silent Pa Sa Crying Night, Sa Ulan, Ng Kulturang Buwan


Di ko kayang gawin ang ginawa mo, spat the naive.
So I said: subukan mong magbabad ng sampung buwan
sa kalbaryo ng aming Palasyo. Eat it all up, lahat
ng panlalait ng Reyna ng tahanan sa pamamagitan
ng mayamang mga synechdoches, alliterative rhymes,
onomatopoeic mimicking of character by sheer imagism.

Di siya nakasagot. The bats of the mind fluttered
their wings like wang-wanged roofs of private cars
with privileged cards and licenses, their number
overwhelming the numerous shiver of our bones in
the cold. Ano ang magagawa ng walang kalaban-laban,
intelehensiyang wala namang makikinig. Saliva laang.

Ang pagkasuklam sa nasusuklam ay rabid bite, & wet.
Ang tahimik nang buwan ay talukbong ng warm blanket.

Window Vainly On Unemployed Poetry, Tulad Ng Bolo N'yo


Lackluster daw ang performance niya,
de-numero sa mga dapat gawin.

Humiliated perpetually, powerless, property-less,
yet another humiliation tonight, one on top of another
on this other, the crux and root of his unhappiness, having
no birthright right to protest against becoming the spittoon,
deserving it like a sherbet; the Queen, checking him out in his
dungeon of a situation, forever Right in her philosophy and peer-
party speeches with spit, coddled by villagers and Catholics and
elderly judges, labellers with aplomb, the mummified eternity
of having an undying upper hand with a sceptre of privilege,
final knowledge, the fortunate power to blame and shame
vainly---look out, out arriving in her garage-way: the
unwrongable righteousness. Singing in the night,
complaining about her work while trampling
the leaves with the beauty of closed eyes,
telling all the labelled curb snakes how
comfortable they already are in
the labelled city grass.

Lackluster daw ang performance niyo,
de-numero sa mga dapat gawin!

Thursday, August 19, 2010

Nakita Ko Si Oswald de Andrade Sa Mindanao

Nakita ko ang paruparong itim, about this big
It probably was a moth, not a butterfly, dark
Kasi sa room no’n, kahit noon, noontime as
Quarter moonshine by Mindanao’s tension.

I was full of wildflowers in my hair, or wax in
My ears na ‘kala ko nga may dagat sa tabi. ‘Di
Nangyari ang inexpect kong mangyayari. Yari
Ka ngayon, wala kang mairereport, and Oswald

De Andrade, of the US Marines, ay wala ring
Mapapala sa rumored nickel-rich islang itim.

Nakapaglaba Na Me

Nakapaglaba na ng PE shirt and pants for my kiddo.
Sabi kasi ng teacher PE uli sila tomorrow, and wow
Naman, dami ko pang gagawin; pero syempre, PE
Is PE and Philosophy is just philosophy. I mean this
Is not my dissertation I’m editing, it’s my kumare’s,
Philosophy major—that’s me, I exist to help others.
Though di ko masasabing Other ang anak ko, he’s
A part of me, y’see, as my hand is me, without which
Pilay ang buhay ko. And as for my kumare, aba:
She cooks for me, sleeps with me, I call her kumare
Kasi, even though she ain’t. Nakapaglaba na me!

Third Cup Ko Na 'To






I had three na, second at 10,
Tapos ito, pangatlo na at two.
Ten na when I finished my paper
On the catapult, kasi inihambing ko
Ang pag-catapult ng isang political
Machinery sa candidate nito, and I
Felt I had to explain the metaphor
Further, the catapult, the cat in my
Head refusing to die the death na
Sa palagay ko naman dapat nang
Mangyari. Mabaho kasi ang tae
Ng civet cat na yan e, punyeta,
To think I’m having coffee
Pa naman, and it’s good
Pa naman. It is!
Catapult. . . .


Tuesday, August 17, 2010

Fidel's March: A Screenplay of a Novel (Chapter 15, Final Chapter)



MARCH 5, late morning. Fidel is in his studio gathering all his works. He throws them out of his studio, down below his studio terrace.
     Some people at the wake are troubled by the sounds they’re hearing. Joanna runs towards Fidel’s studio.

@ @ @

Fidel is burning his orange portraits at the edge of his backyard garden, there by the corner, by the back fence, specifically in the concrete pond that is now without water.
     Joanna sits on a chair on her husband’s studio porch watching her husband, her face expressionless. Two visitors at the wake are now by the doorway to the porch, standing behind Joanna, also with expressionless faces. One of the visitors is the Board Member, Atty. Sevilla. They all look at Fidel busy burning his new paintings one by one; he is busy at this destruction absent any expression on his face.

@ @ @

On a Manila TV channel a newscaster reads this news:
     “At sa larangan ng sining, limang pelikula ng yumaong batikang direktor na si Vicente Apostol ang ipinadala ng isang French company na may-ari ng rights sa nasabing mga pelikula. Ang mga pelikula ay ipinadala sa Philippine government at sa pangulo ng Cultural Center of the Philippines. Maaalala na ang nasabing mga pelikula ni Vicente Apostol ay ipinagbawal ipalabas sa loob ng bansa ng dating Presidente Marcos at ang isa sa panahon ni Presidente Corazon Aquino, kung kaya’t ang rights for international distribution ng mga ito ay binili ng isang French producer. Ang mga ipinadalang pelikula sa Pilipinas ng French producer ay mga kopya lamang mula sa master copy ng mga ito. Ibinigay rin ng French producer sa pamahalaang Pilipinas ang rights for distribution ng mga pelikula sa loob ng Pilipinas.
     “Ang labi ng yumaong si Vicente Apostol ay ngayo’y nakaburol sa bahay ng kanyang anak na si Joanna Apostol Roxas sa Soria, Samar.”

@ @ @

March 6. Vicente’s body is reduced to ashes at a Tacloban crematorium. Now Fidel is leading Joanna to their car.

@ @ @

On the road, Joanna asks Fidel: “sa’n tayo punta?”
     “Ayoko munang umuwi. Gusto ko munang maglibot. Okay lang sa ‘yo?”
     Joanna leans back on her seat, saying, “sure.”
     They arrive at the McArthur Park. They walk toward the seaside, passing the statues of Gen. Douglas McArthur’s landing team. They both look out to sea.
     “Kung narito si Pablo, magtatatakbo yun, diyan sa lawn,” says Joanna when she looks back at the park.
     “Shh,” says Fidel, putting an arm around her.
     They are silent for a while.
     Still looking out to sea, Fidel asks behind the statues of McArthur and his team, “Joanna, ano ba ‘tong mga dumating sa ating buhay? Nawala sa akin ang mga gusto kong makamit, at nawala rin sa atin ang mga bagay na mayroon tayo, at ngayon naman ang isang bagay na nawala na sa iyo at nagbalik, binawi uli, at binawi na ng tuluyan.”
     She hugs him tighter. Joanna silently cries while Fidel simply narrows his eyes, both of them looking out to the Pacific Ocean.
     Later, they are sitting facing McArthur’s and President Osmena’s statues, still watching the sea behind the statues. Then suddenly Fidel gets up, Rowena sadly looking at him.
     “Sandali lang ha, dito ka lang, may kukunin lang ako sa kotse.”
     Then he runs.
     When he gets back he has in his hands a large sketch pad, a box of pastels, and a camera.
     Fidel starts to draw a bunch of fish, fish that appear to be in large metal basins. When he finishes his drawing he lets Joanna stand in front of McArthur’s statue with the drawing and takes a picture of the drawing. He draws a trawler. Takes a picture of it held by Joanna standing in front of McArthur. Draws a bomb explosion. Takes a picture of that. Draws dynamites. Takes a picture. Draws a large mosquito. Takes the picture with a crying Joanna. And so on and so forth.
     His memory rewinds to what Rowena said that night before she cried in front of the lawyer: “Ganun pala ang pulitika ng tao, hindi lang sa mga bagay na gusto niyang makamit, nasa mga bagay din na ayaw niyang mawala. Kahit ang mga bagay na yun ay mga alaala na lamang.”

@ @ @

March 7. In the Roxases’ living room, Joanna kneels in front of the house altar, praying the rosary. It is about 10:00 a.m. according to the grandfather clock.
     Fidel is on a bamboo scaffolding in front of his house, painting the front walls of the house with pictures of fishes in metal basins. Also a large drawing of dynamites, enclosed in a red circle but without a diagonal red stripe. Some dynamites are in blue circles. Some in orange circles. He is painting using enamels in cans. People are gathered outside watching Fidel.
     One of those watching is Mang Juaning, the manghihilot. He calls out to Fidel: “Fidel, kelangan mo ba ng tulong diyan?”
     Fidel looks down at Mang Juaning.
     “Salamat ho, kaya ko ho ‘to,” says Fidel.
     One of those who had been saying bad things about Fidel from the bananacue stall is also there. He extracts phlegm from his throat and spits it out, and then calls towards Fidel:
     “Mang Fidel, baka ho gusto niyo ng tulong ko diyan, marunong ho akong maghalo ng ganyang pintura, pintor ho ako ng bahay.”
Fidel looks at him.

@ @ @

April. The front of the house is done, filled with drawings of fishes and dynamites in circles. Across the house, Fidel and his new assistant, the phlegm-spitter, are at work on another stall beside the existing bananacue stall. The new one is selling fishballs, and Fidel and his assistant are painting fishes in bowls that look like basketballs split in half. The stall’s called “Gary’s Fishballs”.
     Soon a crowd of community people is posing in front of the Roxas house as Joanna happily takes a picture of the house front, and then in front of the fishballs stall, and then in many parts of town where Fidel has painted pictures of fishes in basins, along with pictures of dynamites each inside a red or blue or purple or orange circle with no diagonal stripe on any of these circles.

@ @ @

At the San Juanico Bridge, canvases of Fidel’s fishes and no-to-dynamites logos are tied to the bridge’s rails every 100 meters. Fidel had a hard time getting the permit for this but he had the backing of the mayor, now friendly towards Fidel for unknown reasons.
     The Roxases’ Toyota car drives by the railings as Joanna shoots the canvases with her digital video camera.

@ @ @

The Roxases arrive at an old house in Tacloban. On the gate, a wrought-iron lettering fancily spells “Apostol Residence” in an art-deco fashion. A caretaker lady comes down from the house.
     “Ma’am,” the caretaker says, “ano po, maglilipat na ba tayo?”
     “Manang,” Joanna says, smiling, holding her arm, “kumusta? Alam mo, napag-isip-isip ko kasi, hindi na lang kami lilipat dito, do’n na lang kami sa Soria. Kaya pasensiya na at nag-impake kayo, ha.”
     “A, wala ho iyon, ma’am.”
     “Alam mo kasi,” Joanna continues, as if to further explain, “naisip ko hindi na importante kung saan tayo nakatira, manang, e. Importante lang po alam natin ang mga lugar na malapit sa puso natin, saan man tayo naroon o naligaw. Alam mo kasi, ngayon ko lang naisip, ang buhay ng tao hindi dapat puro paghahanap ng bago. May saysay din ang pagtingin sa luma at nakaraan.”
     “Totoo po yan, ma’am,” the lady says. “Kung saan ba ang makabubuti, e. At kung saan ka komportable, ganun.”
     Joanna doesn’t know if Manang understood what she’s been saying. She lets go of her arm and says:
     “Sige, pasensiya ka na, ha. Talagang gusto kong sabihin sa iyo nang personal, para di ka magalit sa akin at nagbago ako ng isip.”
     “Naku naman, ma’am, bakit ako magagalit sa iyo? Ang bait-bait niyo po, napakapangit ng ugali ng taong magagalit sa iyo, ma’am,” Manang says, laughing.
     “Sige po, salamat, mag-go-grocery pa kami, e,” says Joanna, also laughing a bit, but as she walks to the car adds, “kumusta naman mga anak mo?”
     “Aba, okey naman po.”
     Fidel waves to Manang from the driver’s seat.

@ @ @

Fidel takes a picture of real fish vendors who walk around town with fishes in baskets. They’re sitting in front of the Apostol residence, with Joanna looking down from one of the house’s windows.

@ @ @

Now Joanna is moving around a mini-mausoleum (with angel sculptures) being built for Pablo in the Roxases’ backyard garden. She is shooting the men working on the mausoleum with her videocamera. Later, a fish vendor carrying two baskets of fish hanging from opposite ends of a pole that run across one of his shoulders enters tha gate and goes straight to the backyard, comes into the yard and asks the two men if they want to buy fresh fish for grilling. The men look inside the baskets. Joanna stops shooting and looks at the fish, too, wanting to buy.

@ @ @

July 4. It’s the date the United States granted the Philippines independence.
     The Cultural Center of the Philippines shimmers in the night.
     Inside one of its galleries, a crowd is applauding. Fidel’s photographs of his installations and Joanna’s videos are on exhibit, and books containing the photographs titled “Fish Towns: Installations & Photographs by Fidel Roxas” and DVDs titled “Pablo’s Fishes by Joanna Apostol-Roxas” are all displayed on a table, obviously for sale.
     From a platform, Fidel is speaking to the gathered crowd. He says:
     “Ladies and gentlemen, alam po natin na tatatlo ang lebel ng paggawa ng painting. Naroon ang paghanda ng canvas para sa gagawing painting, kung saan papahiran natin ang canvas ng latex paint o gesso. Pagkatapos naroon ang painting proper, ang simula ng pagpinta hanggang matapos ang pinipinta, kung saan gamit ang oil paint o acrylic o anuman. Kung oil ang ginamit mo, pagkaraan ng isang taon na paghihintay naroon na ang ating paglagay ng varnish sa ibabaw ng painting, kung saan masasabi natin na tunay na tapos na nga ang painting. Subalit, ladies and gentlemen, merong mga lebel ng paggawa ng painting na wala sa pintura, na wala sa mga nakikita sa canvas, na wala sa mga nakikita sa painting. Ito po ang minithi kong ipakita sa mga bago kong gawa, sa mga instalasyon at larawan na kinunan ng kamera ng iyong lingkod at ng filmmaker na aking maybahay . . . at minadaling i-produce bilang framed photographs at libro at video CDs para sa arts festival na ito.
     “Noong nakaraang Marso, po, nakita ko ang matagal ko nang hinahanap na pulitika sa sining na aking ginagalawan. Maaaring hindi ito ang pulitika ng sining na nakikita ng iba sa atin, ng mga kapwa ko artists, subalit ito po ang pulitika na tila ipinarating sa akin ng mga bagong pangyayari—kasama na po ang pagkamatay ng aking tatlong taong gulang na anak na si Pablo, ng pagkamatay ng aking father-in-law, ang kilalang direktor na si Vicente Apostol, na nagsimula rin sa pagtatanong ng aking kapatid na si Architect Federico Roxas noong Marso rin two years ago, mga tanong tungkol sa relasyon ko sa aking mga obra. . . . Wala po akong regrets sa aking mga dinaanan at iniwanang istilo, mga istilong maaari kong balikan sa mga darating na taon kung magiging makabuluhan uli sa akin, subalit sa aking palagay, napapanahon na po na tahakin ko ang mga pagbabago sa aking sining, matanggap man ito ng merkado o hindi. Ito po ang totoong ‘ako’ sa kasalukuyan. Ang mga obra ko noong mga nakaraang taon ay may totoong ‘ako’ rin, dahil ako’y naniniwala na may phases sa buhay ng isang tao, may Blue Pewriod, may Orange Period, at may kung anu-anong period. Hindi kop o maipapaliwanag nang husto ang mga gawa ko ngayon, hahayaan ko na lang po ang mga kritiko dahil doon po sila sumusweldo. . . . Kaya ito nap o ang period ng aking speech, maraming salamat.”
     There is laughter and wide and loud applause among the cocktail crowd in the big CCP gallery.

@ @ @

Fidel and Joanna are in their cheap hotel room in Manila. Fidel calls for a bottle of wine from room service through the room’s wall phone.
     After tipping the room service man, Fidel and Joanna turn off the TV and go over to the hotel room terrace with the wine.
     But they are not very happy. Joanna says:
     “Nami-miss ko si Pablo. Sana kasama natin siya rito.”
     Joanna puts her head on Fidel’s shoulder. Fidel sighs. He hugs Joanna, they losten to the sounds of the city, and gradually Fidel quietly starts to cry, which makes Joanna cry too, as they watch together the light-polluted nightsky of the city.
     Fidel remembers what he said at the McArthur Park in Leyte: “Ano ba itong mga nangyari sa atin?”

@ @ @

Fidel and Joanna get ready for bed inside their cheap hotel suite. Then Fidel notices that one of the small paintings on the other side of the room, of three people looking over their shoulder and walking towards a far sea, is a reproduction of one of his works.
     He approaches the painting, saying, “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Sa lahat ba naman ng hotel suite na ibibigay sa atin ng CCP, ito pang me ganito. Reproduction pa.”
     Fidel and Joanna laugh.
     “Public art na ba?” Joanna says.
     “Yeah,” says Fidel, chuckling. “Tila pinapahiwatig na kelangang lingunin na natin ang lahat ng mga lumipas habang tuloy ang pag-iibayo ng ating mga panaginip tungo sa ating sariling kamatayan. Dito nagtatapos ang lahat ng pagkawala ng anumang maaaring mawala pa sa atin, Joanna.”
     “Wala nang masama na dapat dumating pa, Fidel. Natapos na ang malagim na mga pagbabago,” says Joanna in reply.
     Fidel goes to her, clutching her head. “Patawarin mo ako, ha.”
     Joanna embraces him while wearing a soft smile.

@ @ @

The couple’s plane gets ready to land on Tacloban’s airport and the stewardess announces so.
     Soon they’re at the airport terminal, exiting towards a group of men offering taxi service with their little jeepneys or AUVs. They go through this group and sees Federico who leads them to their car, the Roxases’ Toyota Corolla. Federico is wearing a T-shirt with Fidel’s fish design on it.
     Two guys at the airport recognize Fidel (“pare, yun o, si Fidel Roxas”; “yun ba yun?”).
     “Salamat kuya, ha,” Fidel says.
     Federico says, laughing, “Wala yun, ano ka ba. I-drop niyo lang ako sa coffeeshop.”
     Soon they are on the road, a billboard on the side of the road displaying Fidel’s fish-and-dynamites art. Some houses they pass have put up fishes-and-dynamites stickers.
     “Uy, nga pala,” Federico says, “kelangan ko nang magpunta uli ng Thailand. Tapos na ang mahaba kong bakasyon. My congratulations sa inyo ha, and of course, . . . my prayers for Pablo’s soul, nagpamisa ako kanina.”
     “Kuya, nga pala,” Joanna says, “ito ang monument namin ke Pablo, itong bago naming art ni Fidel. Salamat din sa iyo, ha. Kelangan pang mangyari ang lahat para makita namin ang aming mga tunay na sarili. Ang mga bagay na makapagpapasaya sa amin.”
     “Maraming salamat, kuya,” says Fidel.
     Federico doesn’t know what to say. Then he says, “walang anuman. Wala iyon. Actually, ako man may malaking napulot na aral. Nabago na rin ang political-art perspectives ko ng lahat ng nangyari.”
     Then there is a pause.
     “Sana nandito ka uli next year,” Fidel says, breaking the silence.
“Of course, of course. Una ko kayong pupuntahan.”

@ @ @

Fidel and Joanna are now alone in their car, on San Juanico Bridge.
     The car CD player plays Yano’s freedom song “Naroon” as Joanna adjusts her seat to lie down and look at the empty backseat.
     When their car exits the bridge, a sign that points “To Soria” has Fidel’s fish-and-dynamites art on or above it.
     Another Yano song is playing on the car deck when they arrive on their street, passing by the dental clinic now sporting a billboard sign bearing the name of the clinic and a large drawing of a cartoonish boy with Fidel’s shiny fish art for teeth.

@ @ @

Joanna plays “Naroon” again on the CD player in the Roxas house’s living area where the Sienna reappears to hug Joanna and shake hands with Fidel. Fidel was carrying a rolled poster.
     “Kumusta po kayo, ma’am, kuya,” says Sienna.
     “Okay naman, Sienna. Salamat.”
     “Ma’am, sir, ito po yung diniliver na mga plastic na isda, order nyo raw. Ito po, totoo po ang mga banyera. At tulad nang sabi mo sa phone, ma’am, ilagay ko sa isang banyera ang mga toy cars ni Pablo,” she says, smiling at the smiling couple.
     “Ang ganda,” says Joanna, Fidel looking on at the metal drum basin.
     “O, Sienna, pag-uwi mo mamaya dalhin mo rin ‘to. Para sa bahay niyo,” Fidel says, handing Sienna the poster.

@ @ @

Sienna puts up the poster of Fidel’s fish-and-dynamites art on a wall in her house beside the posters of Filipino actors and actresses and a large photo of Pablo.

@ @ @

Were this a movie we might imagine a black screen here. Then we can fade back in again.

@ @ @

“Hindi na mga ilaw o props o actors ang inaayos kundi mga damo at bulaklak.”
     Vicente laughs, but also with a kind of sadness.
     “Pero walang nasayang,” he says to his 17-year-old cameragirl’s camera as he approaches the Roxases’ front stairs.
     “Naabot din ni Fidel at ni Joanna ang pulitika sa kanilang mga ginagawa. Kasi nga naman, hindi porke pulitikal ka tulad ni Federico ay may pulitika ka na. Iba ang pulitika sa pagiging pulitikal.”

@ @ @

Joanna, not the 17-year-old camera girl says, “is that a shot? Is that a wrap na?”
     Fidel, in front of the Roxas gate, wearing the same clothes Vicente was wearing in the last scene, says, “that’s a wrap.”
     People by the bananacue stall applaud, two kids mimicking Fidel with “datsarap”, “datsarap”, and our screen should here fade to black with Mozart’s cantata exsultate, jubilate, K. 165 on the sound strip.



— TAPOS —






1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15