Tama si Elias Canetti, ang masa
ng bawat nasyon ay sing-hangal,
well, akin na lang ‘to, sing-sira
ng pinakamatalinong bookworm
na nangangating makapasok sa
mga puwang ng kalupaan upang
ipahayag ang kaniyang matagal
nang tinatago, o nagtatagong,
mga pagkasuklam. No such thing
as an intelligent race, compadre,
sabi ko sa kumpare kong pinalayas
ang asawa ng amo nito sa HK,
nang walang 401K, dahil lamang
kababayan nito ang ‘sang namaslang
ng ilang mga turistang Hongkongese
sa lalawigan ng Capiz. Ano naman
ang kinalaman nitong katulong, na
asawa ng kumpare kong ngayo’y
nilalagok ang natitira niyang lata ng
Tsingtao sa fridge? Sabi ko, tama
si Elias Canetti. Ang masa ng
bawat bansa, maging ang sa atin
noong kasagsagan ng pagbitay kay
Flor Contemplacion, ay sing-hangal/
-talino ng ekonomistang parasito.
Ang konstitusyon ng masa ay utak
ng mga pobreng sipsip. Ang mga
tanong nito ay hindi interesado sa
anumang sagot. Ang hangad nito ay
mapasok lang ng pagkasuklam ang
siwang ng mga katawang matagal na
niyang di maintindihan, tulad nitong
radyong peke na gawa sa HK o droga
sa pakete na nasa loob nito na di mo
matimbang ang lalim ng kaakibat na
korapsyon, so what you do is wriggle
your way into its physical bodies with
derision, sucking acid from its fat faces,
stretching proudly like a flagpole within,
made spinelessly expressionistic too like
MSGd and salty Chinese noodles na kung
tawagin nila sa Capiz, maging sa Luzon,
ay pansit, but the imperialism of which
food, though blurry, slurps a slurp heard
all over the world, blaming all but itself
like a customer-wary, very proud cook.
On TV our leaders hold woks, then our
masses talk, e’en as the stock exchanges
beggar their neighbors like fish hook.
Ngayon, marami ang di makalaban dito,
3rd World victims of others’ prosperity,
and consumers solely, kaya bakit dahil
may taga-HK na nahuli sa airport natin
na may dalang mga mapanirang gamot
na di sa boteng maitim, raratratin na rin
nila ang buong lahing yamot, spitting
out buns, tearing all old Cathay Pacific
tickets, na para bang tayo ay mga book-
worms na sing-talino ng nasyonalistang
nangangati. Tama si Elias Canetti, all mob
parasitic species are evasive and dangerous.
No comments:
Post a Comment