Thursday, October 29, 2009

Fidel's March: A Screenplay of a Novel (Chapter 03)



“LATEX PAINT,” read a graffiti text drawn with chalk on the lower, steel-plated part of the Roxases’ black gate.
     Outside, Fidel had just arrived in his black Expedition, honking for the maid to open the gate. The vehicle went in.
     A front tire had run over canine shit. The maid could only look at what happened and said, “Sus!”
     Neighbors outside the house, standing before a banana-cue vendor’s mobile stall, were looking in envy at the big house and Fidel’s new vehicle. The stall-owner had a radio blaring the rock band Yano’s freedom song “Naroon.”
     “Sisirin mo sa dagat, baka naroon ang kalayaan!” it sang.
     One of the tambays (bystanders) said, “Kelan kaya tayo yayaman, pare?” He spat then chewed on his banana cue.
     His thin compadre said, “Matuto ka munang manloko o mandaya. Walang yumayaman na di marunong no’n.
     Kung ikaw yayaman nang ganyan, siguro naman tataba ka na, said the first tambay, alluding to Fidel’s relatively slim body.
     The other tambays near the neighborhood banana-cue stall laughed, while the compadre also spat and then chewed on his banana cue.
     “Pare,” another tambay said, “di mo naman kailangang yumaman para tumaba, pare, e. Mag-apply ka riyan bilang boy. Katulong ni Sienna sa kusina. Tingnan mo si Sienna, tumaba na nang husto.”
     All the tambays, along with the women standing behind the vendor, laughed. Then the men all spat, almost together. Then they chewed on their respective banana cues.
     Vicente was standing outside the gate with his cameragirl. He looked at the neighbors and shook his head. He and his cameragirl entered the closed gate again, going through it, but avoiding the dog shit, chuckling at it, as if it could stick to the shoes of their invisible persons. They again climbed back up the house stairs.

@ @ @

Inside the house, in the living area, Fidel’s son Pablo ran to his Papa, kissing him then running back to his toys on the floor. Fidel just looked at his son, too tired to give him further attention. Wana went to Fidel with a smile to hug and kiss him.
     She was saying, “alam mo ba ‘yang si Pablo, may bagong salitang English na naman ‘yan. ‘No, don’t!’ sabi niya sa ‘kin kanina.”
     Usually Fidel would launch into a speech over the Filipino language which he’d be wont to encourage, against the grain of Ingleseros in his milieu, a habit he acquired from his student days among the nationalists at the University of the Philippines at its Diliman, Quezon City campus. But today Fidel just smiled on the sofa, half of his mind somewhere else, or out nowhere.
     Vicente and his cameragirl sat down on a shiny rattan sofa at a side of the living area where the rug was not modern Persian but a lovely local banig.
     “Kumusta ang lakad?” Joanna asked.
     “Well, nakasingil din ng konti. Kay Mr. Sia,” Fidel said, frowning a bit and looking around, as if it was hot in the house.
     “Alin yun?” she asked.
     Indifferently, he said, “Yung . . . buong family na portrait.”
     “Buong family, di ko nakitang tapos yun a,” she said.
     The cameragirl went to the kitchen with her camera and was shooting the maid brewing coffee and unwrapping and then slicing a binagol. Binagol is made from giant taro (alocasia macrorrhizoscooked with coconut and molasses syrup and then, after having been pre-cooked, placed inside half of a coconut shell and covered in leaves tied around the shell with a thread and steamed thereafter.
     Sienna cut the strings and removed the leaf cover of another binagol. She slid a bowl scraper under the sticky cake and, turning over the shell, dropped the cake to a plate where she sliced the cake into eight little sticky slices.
     Back in the living area, the couple got up and moved to the dinner table. The maid served them the coffee and binagol, intermittently glancing at Fidel.
     As soon as the couple settled, Fidel asked, putting half a teaspoon of sugar in his coffee:
     “Speaking of tapos na art, Joanne, . . . ikaw, kelan ka ba babalik sa art mo?”
     “Ha?” said Joanna, totally surprised.
     “Sa paggawa mo ng mga short films, alam mo na. Nami-miss ko na yun e. Ikaw?”
     Joanna smiled and sighed.
     “Ano’ng art ba ang pinagsasasabi mo?” she said, putting sugar into her cup, “tapos na ako ro’n, ano.”
     Vicente and the cam-girl just sat on the rattan sofa across the hall in the living area, looking at each other and then back at the couple in the dining area.
     “Ikaw talaga,” said Fidel, “kahit digital camera ba e. Tutal me pera na tayo para tayo na mismo ang mag-produce. O ibenta mo ang luma mong kamera, bili ka ng bago. Digital, mas mura, pati post-production.”
     “Sus, Fidel, huwag na nating pag-usapan yan. At ang luma kong kamera, di ko ipagbibili yun, regalo ng Papa yon. At wala na akong oras para sa mga ganyan, ano.”

@ @ @

Vicente said to the camera, “Kung sabagay, sino nga ba ang nanonood ng mga short films niya noon? Well, mga estudyante, at pagka-graduate ng mga yun iba na ang tatangkiliking uri ng cinema at mga artista. Puro love teams na, o di kaya mga Amerikanong pelikula, wala na kasing nirerequire sa kanila na dapat panoorin.”

@ @ @

Now it was evening. They were at dinner, at the dining table. Vicente and the cameragirl were not on the rattan sofa anymore. Pablo had fallen asleep on the living area sofa, his toy trucks now in a box below him. The couple continued their conversation as they ate.
     “Ano pa bang oras ang kelangan mo? Puwede naman tayong kumuha ng babysitter,” Fidel said. “Unless tinatamad ka na.”
     Joanna was starting to get irritated and sighed. But she soon smiled and said:
     “Hindi ako tinatamad. Wala lang akong motivation, ano. Para saan ba? Sabi nga, if you have nothing to say, say nothing. Ako, wala akong isu-shoot. Nakakahiya naman kung gumawa ako ng documentary tungkol sa mga paintings mo, magmumukhang self-serving. Yun lang kasi ang love ko sa ngayon, ang mga paintings mo, ikaw, si Pablo. Period.”
     Fidel sighed, then said, “o, yun pala e. E di ito ang gawin mong subject: ang bahay, ang garden mo, o kung gusto mo mas malawak diyan, yung bagong barangay natin, o ang bagong hometown natin. Maganda nga yon, pareho tayo di galing dito, may naiiba tayong pananaw tungkol sa mga taga-rito. Baka mas positibo.”
     “E, para saan naman yun, ano? Yun nga ang tanong e. Sino ba’ng nanonood ng short films? At sino’ng magpapalabas?”
     Fidel was insistent. He said, “alam mo, huwag mo munang isipin kung sino ang manonood ng mga short films mo. Hindi mo alam, baka sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino sikat na sa TV ang mga short films, o di kaya may magkagustong gawing anthology film ang shorts mo para makabuo ng isang feature-length na obra. Darating ang panahon baka maging isa na lang ang pera ng ilang bansa sa Southeast Asia. Tapos no’n, baka maging isang United Republics of Southeast Asia yun!”
     “E, ang tagal pa no’n e. At ano naman ang kinalaman nun sa short films ko?”
     “Aba, Joanna, ibig sabihin maaaring umangat ang level of education ng mga tao tungkol sa arts. Pag nangyari yun, magpapalabas na ngayon ng mga symbolist o allegorical o poetic na short films sa TV, parang mga maliliit na D.W. Griffith o . . . mga Yevgeni Bauer . . . o mga Marcel L’Herbier! Di ba? O, e, nasaan na ang ibang mga pelikula mo pagdating ng panahong iyon? Hindi mo ginawa!”
     Joanna laughed, putting her arms on the table and staring lovingly at her husband. “Naaalala mo pa ang mga idols ko ha,” she said.
     “Alam mo,” continued Fidel, “pag pinagdugtong-dugtong mo ang mga nagawa mo na mula nung dati, baka tatlong oras na ang aabutin nun, puwede na rin sa sinehan yun. Para silang mga maiikling kuwento, di ba? . . . O, di kaya, ganito: isali muna natin ‘to sa mga film festivals sa labas ng bansa. O, ano? Malay mo, baka maging sikat ka rin, masama ang pangalan mo sa Pinoy artists encyclopedia ng Cultural Center of the Philippines.”
     She laughed.
     “CCP encyclopedia na walang bumibili?”
     “Meron, ha.”
     “Sino, yung mga bumibili ng paintings mo?”
     She was laughing and Fidel was smiling at the table as he continued to eat.
     She would every now and then look at Fidel, lovingly as we said, as he ate, laughingly.

@ @ @

The couple was now having dessert. The young cameragirl was standing behind Joanna.
     “Teka, teka, teka, teka. Lumalayo na yata tayo,” said Joanna, smiling, as she took a spoonful of ice cream.
     “Hindi, hindi. Ibig kong sabihin, kung sino man ang mga sikat sa isang panahon, nag-iiba yun e. Sa susunod na henerasyon, baka hindi na sila. Halimbawa, dati sikat ang mga statesmen, ito ang mga taong mga nangangalaga sa bayan, sila ang konsyensiya ng bayan. Di ba? Ngayon, kelangan politiko ka lang, kahit wala kang pakialam sa bayan mo, kahit hindi ka statesman, puwede kang iboto ng tao; magpakita ka lang ng yabang mo, okey na sa nakararaming Pilipino. At ang mga pagbabago, ang mga reporma, kaugnay sa lebel ng edukasyon ng tao yan, sa access nila sa totoong impormasyon. At ipagpalagay nating may nangyari na magpapahintulot na sa kanilang taasan ang antas ng kanilang edukasyon at kaalaman. Pag tumaas ang level of education nila, formal man o informal, hindi sila basta-basta magiging biktima ng disinformation o black propaganda ng mga taong akala mo malilinis. Magiging mataas na ngayon ang kamulatan ng tao. Muli, kung umangat ang antas ng edukasyon, aangat din ang antas ng pagpili natin ng mga mamamahala sa atin, di ba? At marami pang kaunlaran ang mangyayari sa larangan ng kaalaman.”
     “Right.”
     “So, ibig kong sabihin, darating din ang panahon ng pagbabagong ito. Dahil dahan-dahang magsasawa ang taumbayan sa bulok na edukasyon na binibigay sa kanila ng ruling class. Magkakarebolusyon sa bandang yan, yan ay di maiiwasan.”
     “Okay,” she said, smiling“not necessarily a violent revolution, I hope?”
     “Sure. . . . At pag dumating na ang panahong iyon na ang mga tao ay handa nang magbasa ng libro, o manood ng metaphorical short films sa TV, as I was saying, at gugustuhin na nila yun kesa manood ng mga estupidong parlor games sa tanghali na tumulong magpanatili sa kanilang kamangmangan noon, o yun kesa sa magbabad sa old moralizing sa mga soap opera na matagal na nating pinanalangin na sana’y pagsawaan na nila, . . . well, pag dumating na ang panahong yun ng ganung uri ng pagbabago, ng ganung uri ng pagsasawa, well, ang tanong ko uli ay . . . nasaan na ang mga short films mo para sa bagong henerasyon ng mga Pilipinong ito? Hindi mo ginawa!”
     Simultaneously with his saying those two last clauses, she said, “nasaan na ang mga mas bagong short films ko? Hindi ko ginawa!”
     She laughed.
     “Ibig kong sabihin, huwag mo munang hintayin na magbago ang bayan bago ka gumawa ng mga bagay para sa bagong bayan.”
     She laughed again, saying, “Bagumbayan? Parang park yata yan a.”
     “Bagumbayan, yes. At baka nakakalimutan na natin, ang ating magiting na revolutionary martyr na si Jose Rizal was shot there! Sa Bagumbayan! So, start shooting now!”
     She laughed out loud. He smiled.
     After she settled down, he said:
     “Kaya gawin mo na.”
     Joanna felt happy. She went over to sit on Fidel’s lap and kissed him. Then she went back to her chair, the cameragirl behind Joanna’s chair going through the wood of the table to get a close-up shot of Joanna on Fidel’s lap and then of Joanna’s smiling face when she went back to her chair.
     “O, ano ka ba?” he said, smiling, when Joanna sat on his lap like a child, “hayaan mo. Ako’ng bahala. Basta planuhin mo muna. Planuhin mo na.”
     As Joanna went back to her chair, Fidel stood up to go to the kitchen to get a bottle of imported beer, a Stella Artois. The maid was in the kitchen eating her supper, facing the wall.
     As Fidel walked to the kitchen Joanna said, “e pa’no ko nga gagawin, di ko naman alam kung para kanino ko gagawin? Hindi ko naman kilala ang mga Pilipino bukas, kilala ko lang ang mga Pilipino ngayon!”
     “O, di, sige,” said Fidel as he returned to the dining area. “Isipin mo na kung sino sa mga Pilipino ngayon ang gusto mong kausapin sa mga pelikula mo. Tapos, ibebenta natin nang ganun.”
     “Ano?”
     “Halimbawa, sino ba ang kinakausap ng mga pelikula mo, mga hurado sa Cannes Film Festival sa Pransiya? O sa Berlin Film Festival? O sa Venice? Toronto? Sundance? O mga kritiko sa bansa natin? Mga propesor? Estudyante? O mga mangingisda sa Leyte! . . . Kasi, pag alam natin kung sino ang gusto nating kausapin, alam na rin natin kung saan natin ipapalabas. E kung mangingisda nga, aba, e, di na natin kailangan ipalabas sa sinehan yang pelikula mo. Puwede tayong magpa-sponsor sa Coca-Cola o Pepsi pickups o vans para ipalabas nila sa mga barangay ng mga mangingisda. Doon, hindi sa sinehan.”
     If this were a movie, we’d surely insert here a view of such a pickup or van with a speaker on its roof and a small screen on a stand on the truck’s bed or tacked to a frame on the van’s side, an almost-square rollout screen facing the villagers. This was a common sight in the ’70s.
     After a pause, while amusedly looking at Fidel, Joanna said, “Okay, pag-iisipan ko.”
     She put her teaspoon in her now-empty ice cream cup.
     “Nga pala, talking about audiences, . . . sabihin mo nga sa akin. Sino ba ang naging inspirasyon mo noon sa mga huli mong ginawang short films?” asked Fidel. “Alam ko kasi huminto tayo sa pagiging mag-boyfriend-girlfriend no’n, di ba?”
     He was smiling, teasing, and Joanna laughed.
     “Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo? Wala, ano. Ahh, alam ko na. . . . Papa ko. Siya yata ang genius sa filmmaking, di ba?”
     “Well. Sa palagay ko hindi.”
     She laughed, saying, “E, sino?”
     “Siguro co-teacher mo sa U.P. Alam ko pagkagraduate mo sa U.P. nagturo ka ro’n. At nung sinabi kong pakasal na tayo matapos ang graduation mo, umuwi ka sa Papa mo para magpaalam, ngunit wala na siya sa bahay niyo, at sabi ng mga kapitbahay umalis na sa bahay niyo ang Papa mo, dahilan kung bakit na-depress ka, at mga isang taon later pa tayo nagkita muli at nagpakasal, with your Papa in absentia. Di ba? So I don’t think your later films were inspired by your Papa either. So, ang tanong ko: habang nagtuturo ka sa taong ‘yon bago naging tayo muli, sino ang nakalaguyo mo? Ha?”
     “Ano ka ba?” said Joanna, laughing, “sabi na sa yo’ng Papa ko ang pinasisikatan ko noon, kahit galit na ako sa kanya noon. . . . Actually, pinag-rerebeldehan ko ang cinema niya. Sabi ko kasi sa kanya, bago pa man siya mag-disappear, na ang mga pelikula niya puro maka-mestiza at mestizo, at kahit ba may social message ang mga ito, e ayaw naman mag-empleyo ng production ng mga artistang purong kayumanggi at mapapayat tulad ko noon. At hindi naman kami Tisoy na pamilya, di ba? Tingnan mo nga ang kulay ko.”
     “Ayaw niya ke Tetchie Agbayani? Na naka-muumuu na puno ng gumamela?”
     “Isang pelikula lang naman ‘yon, actually. At actually, producer niya may kasalanan.”
     “So, ano’ng nangyari?”
     “Yun. Kaya nga gumawa ako ng short film tungkol sa Christmas tree na may snow no’n, di ba? Para maipamukha ko sa kanya.”
     They both giggled.
     “Ano ka ba, ilang beses ko na kinukuwento sa yo ‘to a,” said Joanna.
     “O, tingnan mo nga,” said Fidel, gesturing. “Ilang beses mo na kinuwento, hindi pa rin nakakasawa.”
     Joanna smiled, looking at him. Then she turned serious. She sighed. She looked toward the relative darkness of the front porch.
     “Sana alam ko kung napa’no ang Papa ko, kung nasa’n siya ngayon, kung buhay pa siya,” said Joanna, looking at the porch.
     Fidel looked at her guiltily.
     Then, smiling, she added, “tell you what, baka ‘pag makita ko siya uli ma-inspire na nga akong gumawa ng short films uli.”
     “Ha?”
     “E, wala na kasi akong pagrerebeldehan e. Ikaw, puro love lang naman nararamdaman ko sa ‘yo e, kahit pag masungit ka sa ‘kin.”
     They smiled at each other.
     There was another silence.
     Then Fidel said, “So, ayaw mo na ba talaga?”
     “Fidel,” said Joanna, turning serious, straightening up on her seat to face him as she held his hands, “ang art ko ngayon ay ang pamilya ko. Ginawa ko lang ‘yon para sa university noon, nagwo-work din kasi ako sa U.P. Film Center noon habang nagtuturo. Pang-eskwelahan lang ‘yon. . . . Ito ay ang tunay na buhay, Fidel. And I love this more. Much, much more.”
     “Okay,” said Fidel, smiling. “Naiintindihan kita. I think.”
     Fidel kissed his wife on her forehead hair, his cold beer mug-soaked palms on her neck below her ears, and then walked away.
     “Got to get back to work,” he said.
     “Pero pag-iisipan ko pa rin,” she said, as he turned the hallway on his way to his studio.



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15






No comments:

Post a Comment