Wednesday, December 16, 2009

Fidel's March: A Screenplay of a Novel (Chapter 10)



FIDEL drives home slowly in the dark, several cars/jeepneys/trucks overtaking him. He crosses San Juanico Bridge, catching the bridge’s lamplights and a glimpse of the sparkling waters of the strait under the moonlight.

@ @ @

He arrives home, Sienna opening the gate for him. He climbs up to the porch and is surprised to see Joanna dining and talking with a fortyish gay man.
     “Hello, love,” says Joanna. “Naalala mo si Direk Manuel White, of course.”
     “Of course, of course, Manny. Kumusta ka, mukhang di busy a. Wala kang pelikula?”
     “Naku, wala akong project ngayon, R and R ako,” says Manny. “Kumusta kish? Ha? Hmm, lashing ka yata. Uy ha, galing lang ako ng Catbalogan ha, at may nadaanan akong nasagasaan ng lashing ha. OMG, bata siya, three years old lang, kawawa naman, day. Naiyak ako.”
     “Diyos ko, kaidaran lang ni Pablo yun a,” comments Joanna. “O, Fidel, nabalitaan kasi ni Manny na nandito sa Leyte si Kuya Federico, akala niya dito natutulog.”
     “Naku, Manny, hindi titira si Kuya rito, ayaw nun natutulog sa oras e, ayaw nakakaistorbo sa bahay ng may bahay, kaya ayun, parating naka-hotel. E kahit nga sa bahay namin sa Tacloban ayaw matulog dun e, nakakahiya raw sa mga caretaker.”
     “Naku ha, sobrang considerate naman yata ng kuya mo,” Manny says.
     “Hehe,” laughs Fidel, “actually ayaw lang no’n nalulungkot do’n. Marami kasing happy memories, pero wala na ro’n ang mga taong nasa memories na ‘yon. Ang Nanay wala na, matagal na. Ako, nandito na sa kabila ng tulay.”
     “Teka ha,” says Joanna, standing up, “babasahan ko lang si Pablo.”
     “Kasi, Fidel, yung bahay ko sa Calbayog di pa niya natatapos kasi kinapos nga ako sa pera no’n. E sana puwede na niyang balikan ngayon.”
     “Naku, ba’t di niyo pa pinagawa sa iba? Sa mga senior niya ‘don.”
     “Ikaw naman, alam mo naman na wala akong ibang kukunin kundi si Federico Roxas, ano.”
     “Oo nga naman; alam mo, gusto nga ng kuya makarami siya ng gawa niya rito sa atin e.”

@ @ @

“What do you think?” Fidel asks.
     “Alam mo,” says Manny, “kilala ako bilang isa sa mga bagong social realist filmmakers ng bayan, ano. Ibig sabihin, political talaga ang mga treatments ko, ako raw ang reincarnation ni Lino Brocka. Nakaka-flatter nga e.”
     Manny and Fidel are having coffee in the porch.
     Outside, a huddle of men and women on the side of the street sees the two on the porch and starts to gossip in lowered voices. One says, “sabi ko na nga ba bakla yan si Roxas e, tingnan mo ang bisita, bakla. Hay, dumadami na ang bakla sa mundo ngayon!” Another one says, “manloloko lang naman yan si Roxas e, mga drowing nyan kaya ng pamangkin ko e.”
     Back in the Roxas porch, Manny is saying:
     “Tinagurian din ako bilang aktibista, kaya masasabi mong talagang may pulitika sa art ko, ano. At alam din ng lahat na meron akong access sa Communist Party at sa New People’s Army, dahil iilan ang mga classmates ko do’n. Kaya lang, alam naman ng mga otoridad na hindi ako kaliwa at isa lamang akong hamak na bakla. . . . Pero alam mo, ang daming artist sa NPA ha. Mga makata, kompositor, at alam mo bang merong batikan na direk—”
     They suddenly turn silent, Manny covering his own mouth. Fidel is looking at Manny.
     “Nasa’n na ba ako,” continues Manny. “Ah, yes. Sa tingin ko ha, ang politics sa art possible lamang sa pamamagitan ng pag-portray ng mga tunay na tao? I mean, tunay as in tunay, hindi in fantasy form na may mga green na mukha o mahabang tenga? Well, oo. Kasi nga, ang pagportray sa isang realistic na karakter, yun ang magdadala ng realidad ng estado ng lipunan ngayon, di ba? Dun kasi makikita ang simpatya ng artist, ng direktor. Pag ikaw lumihis sa mga karakter ng realidad, halimbawa mga karakter na halaw sa mga banyagang sine na hindi mo naman makikita rito, aba nawawala ang pulitika. Nagiging pampaganda lang ang mga karakter para gamitin mo sa iyong kaartehan, e dapat yung kaartehan mo ang nagsisilbi para sa mga karakter, di ba? Naalala mo ba yung pelikula kong Ilaw Sa Kuweba?”
     Fidel could still imagine a scene from that film. The hero, a carpenter, sits on top of a roof frame under construction, hammering away. Then a giant eagle pushes him off the roof.
     “Yun ang pinakaayaw kong gawa ko,” says Manny. “Ang mga tunay na nangyayari sa tao nakalimutan dahil sa exaggerations. Naiintindihan ng tao ang sinasabi mo pero hindi nila nararamdaman sa buhay nila pagkatapos mapanood ang kuwento ng karpintero ko.”
     Fidel looks away and is silent. Manny looks at him and becomes silent himself.
     Then Fidel whispers to him:
     “Manny, alam mo yung sinabi mo sa akin dati na ayokong paniwalaan?”
     “Alin?”
     “Yung sabi mong huwag na huwag kong ipapaalam ke Joanna? Totoo ba ‘yon?”
     Manny is taken aback and then says:
     “Yes?”
     “Well, . . . gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap.”
Manny looks at him.
     “Fidel, ayoko nang bumalik do’n, gubat yun e. . . . Are you sure?” he asks.
     “Kelangan ko siyang makausap,” says Fidel.
     Joanna shows up again.
     “Hay, nakatulog din,” Joanna says with a sigh and a smile, sitting on a third chair.
     “Uy, Fidel, alam mo ba maglelecture pala ako sa darating na film festival sa U.P. Yung para sa father-in-law mo? Aba, alam mo ba ang topic? ‘The Arts and the People’. Say mo!”
     They laugh at the pretentiousness of that title.
     “Hayaan mo na, e pang-estudyante yun e,” says Fidel.
     “Pero hindi ha,” says Manny. “Such topics, such titles, are only possible in places where the arts are not sitting very well with the people.”
     They laugh.
     Manny adds, “pero, at least, may effort to connect, o reconnect.”
     Fidel and Joanne laugh.
     “Sandali, kuha ako ng cup ko,” says Joanna, standing up to go to the kitchen.
     “Manny,” says Fidel.
     Manny’s eyes follow Joanna as he says, “kawawa naman si Joanna, Fidel.”
     “Manny.”
     “Huh?”
     “Kelangan ko siyang makausap.”

@ @ @

March 9. Manuel and Fidel turn from the highway to a gravel road.
     Much later they arrive at a quite still jungle village at the foot of a dark and craggy mountain, a part of a range of mountains. They leave Fidel’s truck at the village dimestore. The owner of the store has the car pushed into a kind of barn, covering the vehicle with grass.
     Manny and Fidel hike through thick cogon grass while climbing the steep slopes alternating with crags. Much later, nearing the top of the mountain jungle, they arrive at a clearing. Then, unexpectedly, a platoon of men and a woman come out from behind trees, approaching them with blank faces, except a woman in a green jacket who is grinning. She has a sickle and hammer symbol on her breast pocket. The woman’s voice calls, “Manny!” Manny, too, is grinning, his arms wide for an embrace. She and Manny hug each other, with tears welling in Manny’s eyes, which makes the woman laugh.
     Fidel and Manny climb about a kilometer further up, accompanied by the platoon. Then, in a grass-covered dark hut nearer the top of the mountain, they see Vicente.
     “Sir Vicente, direk!” calls Manny, running to hug the old man.
     Vicente is in an all-camouflage green jacket, wearing a Maoist cap. He is an almost-seventy-ish Vicente. He has in his mouth a lighted homemade cigar. Manny embraces more old friends. Then Vicente stares at Fidel a long time. He smiles and offers his hand, which Fidel takes.
     In a trembling voice which Fidel took as a hint of sadness, Vicente says to Fidel, “Pasensya ka na hindi ako nakadalo sa kasal niyo, at sa binyag ni Pablo, ang apo ko, ano. . . . Pero, alam mo . . . binibisita ko kayo madalas. Hindi niyo lang alam, of course. Pero alam mong hindi dapat malaman ninuman, kahit ni Joanna, kung nasaan na ako ngayon at kung ano ang nangyari sa akin. Okay? Nagkakaintindihan ba tayo? Alam mo, nagugulat nga ako na wala pang impormasyon tungkol sa akin ang militar. Unless nagkakamali ako. . . .” Sighing, he continues, “Natutuwa ako sa pagpunta mo rito, anak. Fidel, di ba?” He laughs. “Fidel Castro, hahaha. Baka magkakilala tayo nang lubusan, Fidel. Bakit ba puro mangingisda lang ang pinipinta mo, walang magsasaka?”
     He and some of his men laugh. Fidel smiles.
     “Mangingisda ho kasi ang Tatay ko, e” says Fidel. “Well, malaki-laki naman ang bangka niya, pero mangingisda pa rin. Tapos, isang araw biglang nawala na lang siya sa dagat. . . . Sabi ng iba, naaksidente sa pagdidinamita ng kasamahan. Sabi naman ng iba, nabangga ang bangka niya ng trawler at nahulog ang Tatay. . . . Pero ang sabi ng kasama niya sa bangka no’n na nakasurvive sa insidente, it’s all of the above. Una, nagka-injury ang Tatay sa dynamite incident malapit pa sa isla, natumba siya sa bangka. Tapos nung nabangga sila ng trawler sa malayong dagat habang naghahanap ng bluefin, di makalangoy ang Tatay dahil sa injury at nagka-cramps. Malayo ang kasama niya sa kanya at sabi niya sa kasama niya na mamasahiin lang niya ang cramps niya sa ilalim. Pero hindi na lumutang uli ang Tatay, so . . . nung dumating ang rescue ng malapit na mga bangka na nakakita sa nangyari, nasa likod ng tumaob na bangka ang kasama ng Tatay at hinanap din nila ang Tatay. Dalawang oras din silang naghanap, ayaw nilang sumuko. Kinabukasan, naghanap sila uli. Sa ikatlong araw, nagdala na lang sila ng pari para magmisa do’n sa lugar. Habang nagmimisa, lumabas ang fin ng isang maliit na pating.”
     There is a little silence before Vicente speaks to break it.
     “Alam kong mangingisda ang Tatay mo, Fidel. Pero, ang tanong ko, bakit wala kang pinipintang mga magsasaka? Yun ang tanong ko. Dahil ang karamihan dito sa mga ‘to mga magsasaka e,” Vicente says, pointing to his men, but obviously only trying to change the subject. Then he says, “Iniisip mo pa rin ba ang pagkawala ng Tatay mo paminsan-minsan?”
     Fidel does not answer, unsure of Vicente’s motives.
     “Anyway, … huwag natin pag-usapan ang mga patay dahil lahat tayo rito ay may malapit na kapamilyang namatay. Maliban sa akin. Pero, alam mo, nandito na rin lang tayo sa topic na ‘to, I think … dapat hindi makasarili ang art, di ba, hijo? Dapat hindi lang kuwento mo ang pinagbabasihan mo. Ang kuwento ng bayan ay mahalaga rin.”

@ @ @

Inside the hut, they eat taro and diluted orange juice powder.
     Vicente says to Fidel:
     “Magkaiba ang paniniwala namin nitong si Manny, alam mo ba. Para sa akin kasi, walang kuwenta ang maglagay ka ng pulitika sa art mo. Kasi nga, ang art mo mismo ay isa nang pulitika. Naroon ang tunay na pulitika, anak. . . . Ang art mo ay isa nang pulitika. Di ba, mga kasama?”
     His men, some of whom are also eating, smile at Vicente.
     Vicente opens a can of sardines to go with their taro, puts the sardines in a plastic bowl and wipes his hands.
     “Alam ko hindi ka nagpunta rito para makarinig ng lecture sa akin tungkol sa art o sa cinema, Fidel, pero … alam mo, ang art parang lata ng sardinas yan e,” Vicente continues. “Ang paglagay ng sardinas sa lata kelangan ng kapital. Di ba? Pag gumagawa ka ng art, meron nang pulitika ro’n, naroon ang kapital. Ang anak-mangingisda na magaling magdrowing ba makakagawa ng painting gawa sa mamahalin at imported na oil? Hindi. Kung gagawa siya, enamel lamang sa plywood. Kahit yun magastos na sa kanya. Ang isang makata sa squatter makakapaglabas ba ng mga tula niya? Kelangan niya ng P70,000 para makapaglathala ng 500 pieces ng kanyang unang manipis na aklat. At saan niya puwedeng ibenta iyon, ganung wala siyang tindahan? Sa Ntional Bookstore? Gimme a break. Hay naku, Fidel . . . Oo nga, ang mahihirap meron ding art.”
     “Nakaya ko lang ho mag-fine arts dahil sa scholarship sa U.P. At sa mga pinapadala ng Nanay,” says Fidel.
     “Of course,” says Vicente, “alam ko yun, anak. At alam ko rin na you know your Marxist criticism, dude, Walter Benjamin and all those. Kaya lang, ang gusto kong itanong sa ‘yo, ina-apply mo ba sa art mo ang alam mo?”
     “Yun,” Manny butts in. “Dun tayo magkaiba ng tingin, Ka Enteng. Ano ang art ng mga mahihirap? Dito mo rin makikita ang pulitika nila. Alam nilang kaya nila ang magdesenyo ng mga jeepney, magagarang handicrafts, pero ano ang mga nilalagay nila rito? Ganun pa rin. Flag ng US. Artistang Hollywood. Mga US jet fighters.”
     Again, if this were a movie we should definitely insert some pictures of those here. But this is not a movie. This is not my movie. This is only my screenplay of a novel.
     Vicente is laughing. I am laughing. I, the one writing this novel through my co-writer and editor, am laughing.
     “Well,” I say, “tama ka nga. Buti na lang di nalalagyan ng American flag ang masasarap nilang pagkain tulad ng suman at daing na dilis. Pero, gayunpaman, kahit ano pang nasyonalismo o kung ano mang ismo ang ilagay mo sa art mo, kung di mo rin nakikita ang politics sa sarili mong paggawa ng art mong ‘to, sinungaling pa rin ang art mo. Halimbawa, ikaw, Fidel. Gumagawa ka ng paintings tungkol sa mga mahihirap? Sino’ng bumibili no’n? Mga mayayaman? Ano ang dahilan at gusto nilang pinapanood ang mahihirap sa payapa at malinis nilang mga salas? Para ba matuwa ang kanilang mga katulong sa mga painting na ‘to?”
     “Alam ko naman yun, e,” Fidel says, finally. “Pero alam ko rin na di ko maiwasan iguhit ang nakalipas ko. At least sa bandang akin, hindi ko ineexploit ang mga mangingisda, dahil malapit ang puso ko sa kanila.”
     “Ibig sabihin, ang simpatiya mo sa mahihirap ginawa nilang pangdekorasyon sa magagara nilang mga bahay. Pinaganda mo ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng kulay, ng ganda ng oil, ng galing ng iyong kamay, at ang kalagayan ng mahihirap ay nagiging esthetic subject, hindi na political or economic subject. Taliwas ito sa tunay na social realism. Nabaliktad na ang mensahe ng social realist painting ngayon.”
     “Well, sa bandang akin naman, iniisip ko na at least pinaabot ko sa kanilang mga magagandang sala ang realidad na may mga mangingisda,” Fidel says, in defense.
     Vicente stands up and gives Fidel his Maoist cap. He is smiling.
     “Pasensiya ka na. Ito lang ang mabibigay ko sa ‘yo. Bagong tahi ‘yan, kanina ko lang sinuot. Kaya medyo mabango pa, amoy sastre pa,” Vicente says. “Baka hindi mo alam na alam ko na mahilig kang magbasa ng Pablo Neruda na mahilig magsulat tungkol sa mga sastre.”
     My men laugh.
     Then I walk away.
     “Bakit po ayaw niyong magpakita ke Joanna?” Fidel calls out, wanting to confront me with the question.
     I, Vicente, disappear down a slope with two of my men. Fidel keeps calling, but I keep on till I can’t see him anymore.
     Fidel and Manny look sadly at each other.

@ @ @

Fidel and Manny move down the mountain with some of the Maoists, Fidel wearing Vicente’s cap.

@ @ @

Fidel climbs up his house’s porch. Joanna meets him, asking where he got the cap.
     “Uy, ganda nyan a. Sa’n galling yan?”
     “Joanna,” Fidel says, “may ipagtatapat ako sa ‘yo.”
     Joanna is silent, curious, somewhat afraid of what she might hear.
     “Puwedeng dun tayo sa kuwarto?” Fidel asks.

@ @ @

“Nung bago tayong kasal,” Fidel starts, “…may gustong ipagtapat sa ‘yo si Manny…. Pero hindi niya nakayang sabihin kahit sa ‘kin. Nung nandito si Manny nung isang araw, sinabi niyang totoo ang pinahiwatig niya sa akin noon tungkol sa Tatay mo. Hindi raw niya masabi sa ‘yo at baka raw masira ang saya ng araw. Hiningi niyang ako na ang magsabi. Hindi ko rin sinabi sa ‘yo no’n dahil hindi ko alam kung totoo nga, at dahil din inisip ko na baka magalit ka sa Tatay mo. Baka maiba ang tingin mo sa kanya, masuklam ka sa kanya, na parang iniwan ka na lang niya nang basta ganon nang walang pasubali.”
     Joanna is puzzled.
     “Of course I was being presumptuous sa ‘yo, kasi maaari ring hindi nagbago ang tingin mo sa kanya,” Fidel adds. After a pause, he continues, “Joanna, … nagkita kami ng Tatay mo kanina. Sinamahan ako ni Manny sa kampo nila.”
     Joanna shakes her head in disbelief and begins to shake and cry.
     Fidel hugs her.
     “Naging komunista ang Tatay mo, Joanne.”



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15






No comments:

Post a Comment