Wednesday, November 11, 2009

Fidel's March: A Screenplay of a Novel (Chapter 05)



MARCH 4. Sienna placed a newly cooked dish at the center of the dinner table.
     Set for lunch, as yet no one was sitting at the table.
     If one were at the dinner table and had looked towards the house’s main doorway, one would see Federico, a rough-faced young man of about 30, coming up and entering the doorway. He also looked like someone whom other men would envy for looking so successful (expensive golf shirt, wristwatch and sunglasses above his forehead), even if he was less handsome than his younger brother. Sienna met him to take a bag of fruits from his right hand while Joanna—still with a kitchen apron—welcomed him with a buss, taking a basket of flowers from his left hand. He also had a hardcover coffeetable book tucked between his left elbow and ribs, which he took with his right hand after Sienna freed him of the bag of fruits. He presented the book to Joanna, who was elated at the copy.
     Federico called, “Magandang tanghali po!”
     Fidel came out of the kitchen, also—like Joanna—with an apron on. He was carrying Pablo, who asked to be put down to get his toy car on the banig. Federico embraced Fidel. Pablo came over to kiss the visitor, as prompted by his mother, and showed the visitor his toy car.
     Fidel said, “O, kiss ka sa ninong, Pablo. Sa uncle ninong.”
     “Uy, ang ganda naman niyan,” said Federico to Pablo. “Ang laki na nito, a!” he added, talking to Fidel and Joanna. “Ang laki na ng inaanak kong pamangkin! Mr. Pablo Picasso!”
     Federico was beaming.
     “Ano, kumusta?” Fidel said, “tumanda ka na naman a. Pumuputi na ang buhok natin a. Pero konti lang.”
     They laughed.
     “Eto nga pala,” Federico pointed to the coffeetable book now with Joanna, who handed it to Fidel, “coffeetable book tungkol sa bagong Filipino architecture, my man. Kasama ako diyan.”

@ @ @

The two men were now at the dinner table.
     “E, ikaw rin naman tumanda rin a,” Federico was saying. “E, pa’no ba naman, dalawang taon tayong di nagkita. Talagang tatanda ako sa kaiisip kung ano na ang nangyari sa kapatid ko.” He chortled, tapping Fidel on the arm.
     “Biro mo,” he continued, “tuwing may exhibit ka sa Maynila, pagpunta ko sa gallery . . . siyempre wala ka na ro’n, hindi na kasi opening, at parating nakauwi ka na raw sa Leyte. Leyte, Leyte, Leyte. Parati kang may ginagawa. O di kaya nasa Leyte na. Ba’t di ka nalang bumili ng bahay sa Maynila? Wow. Pinili mong dito magtayo ng studio, diyan ako bilib sa ‘yo. May pulitika ka riyan.”
     “Ha? Ano yun, kuya?” asked Fidel, smiling with a frown.
     “Pulitika mo yun, sabi ko,” continued Rico, gesturing with a finger. “Ang piliin mong makasama mo ang ating mga ka-rehiyon kesa makipagkapitbahay sa mga taga-Maynila. Sana puwede ko ring gawin yun sa trabaho ko. Hindi puwede e. Actually, hindi nga rin ako mapirme sa Maynila e.”
     “Hindi, kuya. Hindi sa ayaw ko ro’n, kaya lang maganda na rin ang lumaki si Pablo sa hangin ditto. At gusto ko rin naman ipagpatuloy ang nasimulan ko nang klase ng painting, kaya dito na ako, mas malapit sa subjects ko. Walang pulitika yun, kuya.”
     Joanna was still helping Sienna, the maid, ready everything.
     “Saan ka nakapirme ngayon, kuya? Hirap talaga ng mga jetsetters, ano, mahirap mahagilap,” said Joanna.
     Federico laughed, saying, “Ay, Diyos ko, nakakapagod maging jetsetter. Ang bumiyahe nang bumiyahe, sus! Pero ano ang magagawa ko, yan ang trabaho ko e.”
     He laughed heartily again.
     Finally Joanna came in with the salad. Sienna the maid served the soup. Pablo rode on his father’s lap.
     “Okay,” said Joanna, “pasensiya ka na ha, biglaan kasi ang dating mo e, di kami nakapaghanda.”
     Rico laughed.
     “Pasensiya! Pasensiya rito?” he said, smiling, gesturing towards the astonishing variety of dishes on the dinner table. “Ano ‘to, McDonald’s food ba ‘to? Yun ang kelangan akong magpasensya,” he added, giggling.
     They ate, their conversation and feasting quite happy underneath the high spirits of Mozart’s cantata on the CD player. . . .
     Later, Fidel stood up and went to his studio. In the studio he transferred a small table by a wall out to the studio’s little terrace.

@ @ @

The table in Fidel’s studio terrace now had a half-gallon of tuba wine, sweet potato fries and a casserole dish, saucers with forks, and an ashtray for Federico’s cigarillos. The maid had helped put some of those there. Now Sienna went away.
     It was nice at this terrace, one could see leaves brushed by whiffs of wind.
     Just then Federico came into the studio as Fidel approached the audio system to play Andres Segovia music.
     “Hmmm,” Federico said, looking around him, “ganda nito a.”
     He stopped in front of a newly gessoed rectangular blank canvas on an easel and, pointing at it, jokingly repeated, “ganda nito a,” chuckling. He added, “ano’ng ilalagay mo rito?”
     “A, yan?” said Fidel, explaining a portrait in progress, “commissioned portrait yan e. Ke Board Member, diyan sa kanto. Si Attorney Sevilla. Kilala mo yata yun e.”
     “A, talaga? Sevilla, Sevilla. Di ko maalala e. Mukha yatang ang daming taga-Tacloban ang bumili ng lupa’t bahay rito a.”
     “A, oo,” said Fidel, “alam mo, kuya, tungkol diyan sa painting na ‘yan, sabihin ko sa ‘yo ang hirap magpinta ng pulitiko.”
     They laughed mildly.
     “Kaya hayan, hanggang ngayon latex paint pa rin yan.”
     “Latex?”
     “Latex paint,” Fidel said, whisperingly adding, “mahal gumamit ng gesso, kuya. Pareho lang naman e.”
     “Well, at least marunong kang gumamit ng gamit ng mga mahihirap na pintor.”
     “Sus, Kuya. Kahit mayayamang pintor latex paint din ang ginagamit, hindi na gesso.”
     “Talaga, ha.”
     They were both smiling at Federico’s ignorance of the painting trade.
     “Halika, dito tayo,” said Fidel, leading the way to the studio terrace with the prepared table.
     The brothers drank tuba, smoked, talked. Fidel was an occasional smoker. Federico would put his hand with a cigarillo away everytime Pablo came into the terrace, running, followed by his mother. Pablo would say something to Fidel and Federico, and the brothers would respond delightedly. But Pablo would run out again, screaming in childish delight, Joanna just as happily following him.
     “Sa’n ka ba talaga galing niyan?” Fidel asked his brother.
     “Ay naku, galing ako ng Singapore. Nakita ko yung naging magna cum laude namin sa UST Architecture, nandun din. Pero mas marami akong project kesa sa kanya,” said Federico, laughing.
     “Pa’no nga ba nangyari yun, kuya? Hindi ko maalala ang chronology.”
     “Huwag mo nang isipin ang chronology. Basta, sinuwerte ako dahil sumugal ako. Ayokong sumabay sa trends, pare. Akala ko nga isusuka ako ng mga kliyente, e. Aba, kabaligtaran pala ang nangyari. Dumami pa ang tumawag, gusto ako ang gumawa ng mga projects nila! Hanggang nakapagtayo ako ng sarili kong firm.”
     “Napakabata mong naging success sa field mo, kuya.”
     “E, kasi, napakabata ko ring sumugal at naging matapang sa kung ano ang gusto kong gawin. Bakit, ikaw rin naman, ang batang nagtagumpay a.”
     Fidel waved off his kuya’s statement, though smiling.
     Federico sighed, saying, “Hay, ang suwerte natin, ‘tol. Salamat din naman at nakaahon tayo sa kahirapan natin nun, ‘tol, di ba? Salamat din sa Nanay, sa mga sakripisyo niya sa ‘tin, . . .” He sighed ahain. “Sana buhay pa ang Nanay, nakita tayong ganito.”
     Fidel looked away.
     Federico said, to break the mood, “. . . Ikaw e, di ka sumunod sa ‘kin sa Architecture, sana dalawa tayo ngayon, partners. Nag-Fine Arts ka pa kasi.”
     “Okay lang naman, kuya, e, para wala kang kakompetensya, di ba? Walang sibling rivalry,” Fidel said with a smile.
     “Sabagay,” said Federico, laughing with Fidel.
     “Ano bang ginawa mo sa Singapore?”
     “E, may nagpadesign sa ‘kin ng office niya ro’n,” said Federico,      “Pilipino siya, businesswoman do’n. Kaya, ayun, ako na rin nag-decorate, pinaglalagyan ko ng mga kulay ubeng banig ang mga dinding. Sus, tuwang-tuwa.”
     If this were a movie we would definitely intercut to a photo of that office. But this is not a movie, so suffice to say that the office used organic tropical materials, including bamboo absent lacquer.
     Fidel smiled, seemingly pleased with his brother’s idea.

@ @ @

They were laughing again.
     “Nung isang buwan naman nasa Guam ako. Ganun din. Nagpagawa sa ‘kin ng mga nipa huts sa beach resort niya, Ifugao style naman ginawa ko. Pero collapsible, para kung me bagyo, puwedeng itago niya sa kanyang warehouse.”
     “Aba, galing a. Para palang mga eroplanong puwedeng igarahe.”
     “Gano’n.”
     They laughed.
     “Nga pala, salamat kuya ha. Salamat sa paghanap mo sa ‘kin dito, kasi . . . di ko malalaman kung nsasa Tacloban ka, e. Medyo malayo na kasi kami sa city, e.”
     “Aba, siyempre hahanapin kita kung nasaan ka.”
     “Tagal kasi nating di nagkita e. May ginagawan ka ba ng bahay dito?” Fidel asked. “Sino’ng ka-meeting mo kahapon?”
     “Si Torres.”
     “A, talaga, si Gov? Sa Catbalogan ba?”
     “Yup.”
     “Aba. Bumili rin sa ‘kin ng painting yun e. Papagawa pa nga e. Di kaya yumayaman nang yumayaman si Gov dahil sa jueteng? Aba, tayo rin magiging bahagi ng pagpaparangya niyang yan. Masasama ang art natin sa mga kukunan ng kamera ng TV coverage, in case magkalabasan and unexplained wealth.”
     Federico laughed.
     “Hindi naman siguro. . . . E, maganda pala ang kita mo kahit dito lang a. Uy, nga pala, across the San Juanico Strait, ‘tol, sa Leyte, me project din ako. Sa Palo. Pero bakeshop lang, super-liit,” he said, laughing again.
     If this were a movie we would definitely intercut to the architect’s colored drawing of that proposed bakery.
     “Mga maliliit lang ang project ko rito sa ‘tin in terms of budget, pero basta dito sa atin, ok yun sa akin, tatanggapin ko. Halos di ko na nga singilin e. Para lang talaga me marka rin ako rito, di ba, . . . sa region natin. Malay mo, baka pag marami na, puwedeng showroom ko na rin ang buong Waray-speaking region,” said Federico, snickering.
     “Ayoko lang mag-lecture sa mga college, ayoko no’n,” he continued. “Sabi ko nga sa mga nag-aanyaya sa ‘kin, ayokong maglecture sa architecture classes dito, baka may masabi lang ako na makainsulto sa nag-imbita sa aking teachers.”
     They laughed, and Federico added, “Kaya, gagawa na lang ako ng mga project dito na puwedeng tingnan ng mga estudyante. Di ba mas maganda? Wala pa akong sermon, sila ang bahala mag-husga sa mga gawa ko, kung magaling nga o kung bobo. Di ba? Sila ang bahala.”
     Fidel was nodding, looking at his glass.
     “Alam mo kasi, ‘tol, dito tayo galing e,” continued Rico. “Kahit pa sabihin mo di natin gusto ang kultura rito, o hindi natin kultura ang kultura rito, tayong mga artist na trained sa Western art, aba kung may magagawa tayo para baguhin yun, baguhin natin. E, damaged culture kasi ng mga mal-edukadong tao ang kultura natin sa bansa natin, e. Di ba? Ako, ang gusto kong contribution, alam mo, gusto kong maalis lahat ng mga bahay na yan na nagkalat na mukhang mga HongKong houses na ang iinit sa unang tingin mo pa lang! Kelangan ka pang mag-aircon! Gusto kong ibalik yung ventanilla sa mga lumang bahay tulad nito, ‘tol. Mga bintana sa ilalim ng bintana, di ba? Sub-windows, kung tawagin ko. O di kaya mga terrace tulad nito.”
     Fidel was smiling, looking toward his own house’s ventanillas from the terrace, and gave his right thumb-up towards Federico.
     “Tsaka yung mga colored frosted glass noon, ganda nun. Sayang at nawawala na ngayon,” Federico added.
     Were this a movie we should insert here a picture of one such use of the frosted glass. But you get the picture and the beauty of the art.
     “Nga pala,” Federico continued, “may kliyente akong Vietnamese-American na nakapag-asawa ng isang Thai. Ngayon, bumili ng ilang paintings mo sa gallery ni Mrs. Lanuza. E, artist name mo naman minsan walang apelyido e. Fidel lang, kaya iyon. Akalain mo ba namang sabihin ng asawa niyang Thai sa kanya na naririnig ko, ‘Tranh Pak’—yun ang pangalan ng asawa niyang Vietnamese-American—‘Tranh Pak, e yo sure this is no communist paintings? Is da artist of dese a Fidel Castro?’”
     They laughed at this, unfunny though it was.

@ @ @

Federico looked at his wristwatch. It said 5:00, with the sunlight already brushed by orange hues in the pre-summer afternoon. They were still laughing in the terrace.
     “Yun. Bumalik si Tranh Pak sa US, tapos sabi niya sa akin, ‘Federico, I Shall Return’,” said Federico.
     At that same moment that Federico said this and they laughed out loud, Gen. Douglas McArthur’s Leyte Landing monument at the Gen. McArthur Park in Palo, Leyte, was basking in the orange setting sun. Around it, people were playing Frisbee in the park, one was fishing from the dike near the monument, some having drinks in the open café, some swimming in and some skimboarding on the beach, and some were in the pools.
     In Soria, Samar, Federico and Fidel were still laughing.
     “Parang si General McArthur din ha,” said Fidel, trembling with laughter. “O sige, Kuya Fedric, ha. Kung meron pang ibang general na gustong bumili ng paintings ko ha, tawagan mo lang ako.”
     Laughing, Federico said, “Aba, oo, sigurado yan!”
     They continued laughing at this other cheap joke, the quick laughter and the cheap jokes due mainly to the effect of the tuba. They were now both red in the face.
     Then, as their laughter settled, Fidel suddenly became pensive, a bit sad.
     Federico watched his brother.
     Then, he said, sighing:
     “Ano’ng iniisip mo, bro?”
     Fidel smiled, shaking his head in denial, saying, “Wala, kuya, lasing lang.”
     “Wala kang sakit or anything?”
     Fidel smiled, again shaking his head, saying, “Wala, ano ka ba?”
     “Everybody in the family all right?”
     Fidel nodded, saying, “Oo naman.”

@ @ @

Fidel, still serious, looked at his backyard garden. He drank another glass of tuba.
     “Alam mo, kuya,” he said, “buti ka pa alam mong masaya ka sa ginagawa mo.”
     Rico was puzzled, but waited for his brother to continue.
     “Ako kasi,” said Fidel, “parang . . . parang ganito kaaga sa career ko, parang napapagod na ako sa kagagawa ko ng pare-parehong—” He gestured towards the room.
     Federico still waited for Fidel to continue.
     “. . . Of course, yun din naman ang hinahanap ng mga art collectors, di ba? Ano’ng magagawa natin. Trademark ko na raw ‘to. . . . Pero ako, siyempre, ayoko na sa trademark kong ‘to, kung pupuwede lang . . . paulit-ulit na lang e. Ewan ko ba. Sa napakaraming artist ngayon, ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito?” Fidel said, laughing nervously.
     Federico made a deep sigh. His laughter too was now gone.
     “Fidel, . . . alam ko ang nararamdaman mo. Dumaan din ako diyan.”
     Fidel looked at him.
     “Ito lang ang maa-advise ko sa iyo bilang nakatatandang kapatid mo, pare,” Federico continued. “Wala na ang Nanay kaya ako na lang ang magsesermon, okay? . . . Fidel, kahit ano ang gawin mo, . . . kung . . . puwede ka namang maghanap ng bagong ‘style’, ika nga, pero . . . kung magsisimula na uli ito bilang isa na namang ‘style’, . . . ibig kong sabihin kung magiging marketing trademark lamang iyan, . . . kumbaga sa pulitika, parang isang slogan lamang, . . . well, huwag ka lang magagalit, mapapagod ka talaga.”
     Fidel looked at his brother, merely listening.
     “Kasi kung may ginagawa ka na galing . . . galing sa sarili mong pulitika, . . . sarili mong pulitika, Fidel, hindi pulitika ng iba, . . . sus, kahit isang milyon pang ipaulit sa ‘yo ang ginagawa mo, sinisigurado ko sa ‘yo, di ka magsasawa sa kagagawa no’n, di ka mapapagod. . . . Tingnan mo ako, ang daming tumutuligsa. Regionalist daw ako, o ethnicist. Anti-city raw ako, samantalang lahat naman daw ng kliyente ko nasa city. Nationalist daw ako, samantalang ang malalaki kong kliyente ay nasa abroad naman daw. Di ko pinapansin dahil ang mga taong ayaw maintindihan ang thesis ko ay di makakaintindi. Magsasawa ka lang sa kakukumbinsi, iikot lang kayo. Pero ang point ko, di ka sasandal sa pulitika ng mga kritiko, di ka sasandal sa thesis mo ayun sa reading ng iba.”
     Fidel was silent.
     “Of course,” continued Rico, “well, Fidel, itong lahat na sinasabi ko, galing lang ‘to sa sarili kong experience. At hindi ko hangad ang sabihin sa ‘yo na walang kapuli-pulitika ang mga ginagawa mo ngayon. Lahat ng bagay may pulitika. Alam ko, halimbawa, na ang paborito mong si Mozart na pinakikinggan natin kanina ay isang rebelde sa musika noon, at mangyari pa nga’y nagkaalitan ng isang Obispo at pinalayas sa Salzburg, Austria. Ang mga gitarista, tulad niyan . . .”—he gestured to the audio equipment they could see through the doorway—“si Andres Segovia, iilan sa kanila ang nag-i-struggle na maipaabot ang ganda ng mga tunog ng strings nila, lingid sa mga interes ng lipunan, lingid sa komersyo ng pop music na gusto parating may lyrics? At saan nagpatuloy mag-aral ng gitara si Segovia? Sa Granada, sa harap ng mga Moorish na arkitektura. Huwag mog sabihin sa akin na walang kinalaman ang pulitika ng nakapalibot na kultura at kasaysayan dito sa kanyang musika, sa kanyang mga nararamdaman. Ang isang musical passage, pag pinatugtog mo sa Palasyo at pinatugtog mo sa inuman ng mga minero, magkaiba ang emosyon na lumalabas. Lahat ng artists, Fidel, alam ko alam mo iyan, nireremind lang kita, meron silang pulitika sa art nila, parati iyon.
     “Fidel, ‘tol, naiintindihan ko kung paano ka napunta diyan sa kinatatayuan mo ngayon dahil tatlong taon kang nag-struggle. Pagkatapos mo mag-graduate, struggle. Tapos, isang araw, bigla na lang tumaas ang presyo ng mga gawa mo, sumikat ka dahil nagustuhan ang ilan mong mga gawa na baka hindi mo na nga maalala kung bakit mo ginawa. . . .”
     Fidel sighed, looking away towards the garden.
     “Nadala ka ng komersyo ng art, Fidel, . . . yun ang tingin ko sa case mo, kaya siguro ganito ang sinasabi mo ngayon. Pero hindi kita masisisi. Nagdaan din ako diyan, ‘tol, at alam mo yan. Pero iniwanan ko agad habang maaga. . . . Ikaw, maaga pa rin para sa iyo. Fidel, ‘tol, bilang iyong nakatatandang kapatid, ha, sasabihin ko sa iyo, ngayon ay kaya mo nang balikan ang merkado. Ipinta mo ang gusto mong ibenta, hindi yung gusto nilang ibenta mo.”
     Fidel was silent. He smiled, shook his head. After a pause, he said:
     “Alam mo, kuya, . . . salamat. Lahat ng sinabi mo, matagal ko na rin iniisip e. Pero sabi mo nga, lahat ng bagay, may pulitika. Sa tingin mo ba wala nang kuwenta ang pulitika sa mga ginagawa ko ngayon?” Fidel said, a bit hurt by his own fate.
     “Alam ko yun, bro, alam kong matagal mo nang iniisip ‘to,” Federico said, with a smile, “at alam ko rin na alam mong madaling makita ang pulitika ng lahat ng produkto ng sining kung maghahanap ang isang titingin. Subalit, and issue ngayon . . . pulitika nino? . . . Pulitika ko? Pulitika nila? Pulitika mo? Sinong natutuwa? Sinong hindi? May hindi na natutuwa, at ang masaklap, iyon ay ang artist mismo.”
     “I’m sorry, kuya,” Fidel said. “Gusto ko lang siguro madinig na nanggaling sa iba. At medyo naging defensive ako nang marinig ko sa iyo. Pero, . . . hindi ako singtapang mo, kuya, e.”
     “Sus, huwag mong sabihin yan, Fidel, Diyos ko naman.”
     Fidel was smiling. Rico was thinking, then asked, “ . . . Si Joanna, ano ang sabi?”
     “Si Joanna, . . . parang ako rin yan, e, kuya. Masasabi mong kaming dalawa, wala nang pulitika. Bata pa kaming napagod sa pagbebenta ng mga talento namin, hanggang isang araw—sabi mo nga—may nagbago, at iniwan na namin lahat ng ginawa naming rationale noon para pagsilbihan ang estetiko at disenyo at dekorasyon ng kasalukuyan. Pareho kaming nilamon ng sistema, kuya,” said Fidel, smiling a slanted smile.
     Then, they were both smiling again when Federico stood up to pee, patting Fidel’s shoulder as he excused himself.
     “Ang sistema ng pamilya ay magandang sistema, Fidel,” called Rico as he made his way to the studio’s toilet, his voice echoing in the studio’s hollow. “Yun ang huwag mong iiwanan, tol.”



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15






No comments:

Post a Comment