Wednesday, January 6, 2010

Fidel's March: A Screenplay of a Novel (Chapter 12)



FIDEL and Karissa go out into the night in his car and then on foot among the satay stalls of the small-town city. They stop at one small kiosk. She says it’s hers.
     “O,” says Fidel, “akala ko small-time ka lang. Sa ‘yo ba talaga ‘to?”

     “Dati akong small-time,” she says. “Tapos nakautang ako ng pamuhunan. Kay Jesse. May pera din ang taong ‘yon, ayaw lang pahalata. Marami yatang kontrata ‘yon, di mo ba alam?”
     She introduces Fidel to her assistant, her sister, Carol. They sit by a polypropylene table, chewing on satay, sipping Coke.
     “Alam mo, sa totoo lang, ayoko sa mga paintings nung kaibigan mong iyon, si kuya Jesse. Masyadong malayo sa mundo, e. Di ko type. Gusto ko yung totoo, ano. Kasi totoong tao ako, e. Oo! Kasi nga, hindi ako galing magic, ‘no. Tsaka masyadong religious yang si Kuya Jesse, parati namang nakatitig sa bulbol ko. Diyos ko, ewan ko ba.”
     “Ibig mong sabihin, hIndi ka niya ginalaw, ni minsan?”
     “Hindi, ano. Torpe yan si kuya, ewan ko ba, bakla yata.”
     “Akala ko ba sabi mo bakla. Ngayon sinasabi mo baka lang. Ano ba talaga?”
     “Aba, ewan ko. Sabi ko baka bakla, kasi nga pinatira na ako sa bahay niya, hanggang ngayon hindi pa ako ginagalaw.”
     “Wow. E, pa’no kung gusto lang niyang maging professional sa ‘yo, o totoong torpe nga lang, ngunit sa kabila niyan ay in love na pala sa ‘yo? Man. Tapos heto tayo at . . . Wow. Hindi bakla si Jesse.”
     “Sigurado ka ba?”
     “Kung saka-sakali, ngayon lang kami mag-aaway niyang kaibigan ko. At ang nangyari sa atin ay maaaring makarating sa asawa ko, . . . at iyon ay dahil sa iyo. Ikaw ang magiging pamukpok sa pako ng palubog naming relasyon, na maaaring maging daan tungo sa tuluyang pagbagsak ng aming pagsasama bilang mag-asawa.”
     “Diyos ko, hindi naman ako pure virgin, ano. Laspag na ako. Ba’t niyo ako pag-aawayan? Pero doon sa ako ang magiging dahilan ng inyong paghihiwalay, aba, kasalanan mo rin naman a.”
     They become silent.

     “Me iba bang kaibigang babae si Jesse?” Fidel asks.
     “Aba, ewan ko, kayo itong magbarkada, e. Pero, alam mo, okay din naman si Kuya sa akin. Straight ang trabaho ko sa kanya. Ibig kong sabihin, kahit do’n ako matulog sa bahay niya, wala akong pangamba, kampanteng-kampante ka, alam mo? Sabi mo nga, professional siya. Wala akong pakialam kung ano man ang sinasabi ng mga kapitbahay niya.”
     “Ni minsan . . . di kayo nag-ano?” Fidel wants to confirm, shamed, perhaps, by the fact that Jesse could be more professional with models than him.
     “Ang kulit mo—malayo nga ang mundo niyang kaibigan mo, e. Parang wala siyang sex sa buhay niya. . . . Pero, huy, alam mo ba yan si kuya? Pag pinipaint niya ako, hulaan mo kung ano ang last niyang pinipaint sa akin?”
     “Uhm, . . . mata?”
     She laughs.
     “Bulbol ko,” she says. “Oo, walang paltos, parati ‘yon. Alam ko, kasi sinabi niya. Tapos minsan tatayo ako at iyon na nga lang ang kulang. Last na lang daw, bulbol na lang, tapos puwede na akong maghapunan. Parati iyon. At alam mo ba ang kulay? Blue!”
     They laugh, but Fidel not so much. Fidel is intrigued; he never saw Jesse’s paintings that way before, he always thought of Jesse’s work as Gauguin tributes with a mytho-Christian bent. You know, axis mundi, katabasis, stuff like that, scenes like those. But still with a nude woman at the center, hehehe, Fidel is thinking now, smiling. Pubic hair.
     “Pero love ko yan si kuya. Parang nakatatandang kapatid ko siya, ganun. Love din ako niyan. Kung palamunin ako niyan, wagas. Maliban nga lang pag nakatitig sa bulbol ko, nagiging parang manyak. Diyos ko, di ko maintindihan ang art nun, 'no. Di ko nga alam ba't gustong-gusto siya ng mga kliyente niya, may pari pa nga e.”
     They both smile at this while looking at their drinks.
     “Aktwali,” she continues after a pause, “me isa pa akong asawa, at alam ni kuya Jesse yon. Yung seaman . . . di ko naman asawa ‘yon e. Pero ewan ko ba. Yung napangasawa kong iyon mas mahal pa niya ang fishing boat niya. At pag nasa lupa naman, minsan ayaw pakita sa ‘kin. Di ko rin maintindihan ang mga lalaki ng dagat. Palibhasa kasi maraming islang pinupuntahan, baka ibang sirena ang kinakasama at kinakama sa bawat pulong pagtatapunan nila ng kanilang malalaking lubid.”
     “Baka naman sobrang pagod ang katawan nila para maghanap ng saya, kulang sa tulog,” offers Fidel.
     She sighs, saying, “hay, naku. Sinasayang ko lang ang ganda kong ito sa mga lalaking iyan. Parang malas ako sa lugar na ‘to, e. Dadalawa na ang asawa ko, dalawa, na ang isa ay di ko naman talaga asawa ngunit gusto kong maging asawa, at ayaw naman akong pakasalan, tapos pareho silang mas mahilig sa dagat at ibang pantalan kesa sa ‘kin. Kaya heto ako, . . . ilang araw na lang aalis na ako rito. Magpapaalam na rin ako sa pangatlo kong boypren na ayaw akong galawin, si kuya Jesse. Tapos ikaw, may asawa kang tao, ba’t ka ba pumatol sa akin, ha?” She slaps Fidel on the chest when she says this last clause.
     “Aalis ka? Sa’n ka pupunta?”
     “By the way, hindi ka ba natatakot na makita ka ngayon ng mga kaibigan mo tapos isumbong ka sa asawa mo?”
     “Pintor ako, Karissa. Nakakainuman ko ang mga modelo ng artists. Nga lang, minsan lang ako nag-hire ng modelo rito sa Leyte.”
     “Oo nga, tapos ngayong gabi, ginamit mo lang ako, hindi mo naman ako hinire na maging modelo. Hindi mo ako ginamit sa pagpinta mo, ginamit mo ako para sa iyong . . . sa ‘yong kalungkutan. . . . Well, okey, naggamitan tayo para sa ating mga kalungkutan. Hay buhay.”
     “Sa’n ka ba pupunta?”
     “Masaya ka ba sa asawa mo?”
     “Oo naman. Kaya lang hindi ako masaya sa ginagawa ko, sa painting ko; nagsasawa na ako, kung kaya’t minsan ay madaling mag-init ang ulo ko e, sa kahit na anong maliit na bagay. Ewan ko ba. Hindi tuloy ako matimpla ng asawa ko, nag-aaway kami. O naaaway ko siya nang di ko sinasadya, at mabuti at di niya ako pinapatulan. Nananatili siyang malambing.”
     “Martir ba?”
     “Hindi. Malambing lang talaga, kaya di nagtatagal ang away namin, o ang naging pagsusungit ko sa kanya. Alam niya rin sigurong me problema ako.”
     “Babaero ka ba?”
     “Hindi. Ngayon lang.”
     “Ay, virgin ka pala,” she joked. “Pero ba’t ang galing mo?”
     She smiles. Fidel looks away, embarrassed and feeling some guilt perhaps.
     “Sa’n ka ba pupunta?” he presses Karissa. “Iiwan mo si Jesse?”
     “So, pa’no pag nalaman ng misis mo ang nangyari sa atin?”
     “Di ko alam. Bakit, . . . plano mo bang isumbong ako?”
     “Sayang naman ang relationship niyo. Dahil lang sa akin, tapos isang beses lang naman, tapos aalis pa ako.”
     “Sa’n ka ba pupunta?”
     “Hay. Maghahanap ng ibang mapapangasawang tunay. Yung may paninindigan. Pupunta kami ng kapatid ko sa Davao, nando’n ang Nanay namin. Nag-asawa siya ng isang Davaoeño last year, nung mamatay ang Tatay ko. Anyway, doon ay malayo kami sa dagat. Ibig sabihin, wala na akong makikilalang isa na namang mangingisda. Iyang mga tao ng dagat na iyan, buwisit lang sa buhay ko. Kaya, . . . At dahil malayo nga kami sa dagat, hindi na ako magbabarbecue dahil sigurado akong maraming nagbabarbecue ng mga baka at baboy sa kanilang mga bahay sa barangay na iyon. Magfifishballs na lang ako.”
     They smile at each other.
     “Alam mo, ang tingin ko sa mga lalaki,” continues Karissa, “parating naghahanap ng kanilang mga sarili. Kung hindi sa kanilang mga iniidolo, sa ibang lugar. Sa ibang isla, parang ganun ba. Para bang . . . ewan ko. Para bang parating may malaking San Juanico Bridge na . . . na gusto nilang tawirin tungo sa isang mas malaking bagay na hindi maabot-abot. Walang lalaking marunong makuntento, wala akong kilala. Hindi ba mas makikita nila ang kanilang mga sarili sa mga bagay na nasa kanila na? Di ba? Sa mga bagay na ayaw nilang mawala? Bakit hindi yun ang alagaan nila, at doon nila hanapin ang kanilang mga sarili?”
     Fidel is surprised at this eloquence and depth. Soon his cell phone rings. It’s his wife.
     “O, Wana. Oo, sandali na lang ako, nagkainuman lang kami ni pareng Jesse. Sandali na lang ako. Matulog ka na na. Okay. Ba-bye.”
     He looks at Karissa. She lowers her head.
     “Pasensya ka na, ha,” she says. “Nadala ako kanina. Kawawa naman ang wife mo. Alam mo, uwi ka na sa kanya.”
     Fidel looks at her.
     “Sige na, dito lang ako. Balik ka na sa kotse mo. Hinihintay ka ng wife mo, di ba? Tama? Tingnan mo na lang nang ganito: ang buhay, o, di ba, ang saya-saya!” When she says this last clause, it’s almost as if she’s mocking Fidel’s going away. But she actually sounds both happy and sad, seeming only to say, “happy to have met you, dude” or “it’s sad that we’re all sad people.”
     Fidel stands up and starts to walk away, but instantly turns back to hold her shoulder and say “Bye. At sorry, ha.”
     “Sorry saan? Bye.” She gets up and whispers in his ear, “i-promise mo sa sarili mo. Mula ngayon, mamahalin mo na siya ng lubusan.”
     Fidel doesn’t know what to say except “Mahal ko naman ang asawa ko, a.”
     “Yun ang akala mo. Aktwali, pareho tayo e. Tulad ngayong gabi. Pareho tayong naging makasarili. Kaya tayo minamalas, e.”
     Karissa walks toward the back of the satay stall counter, calls out another “bye,” then turns her back and gets down as if to look for something on the floor of the kiosk pantry.
     When she comes up and turns to check Fidel, he has walked away. Soon it begins to shower. Fidel runs to his car and drives dangerously, made less drunk though he was by the meal. He remembers 21 Grams again, shuddering anew. When he arrives home a little past midnight he showers.

@ @ @

March 17. Morning, cocks crowing. Fidel wakes up and kisses his waking and smiling wife whose eyes however remain charmingly closed. Fidel gets up and walks to his studio even though he could smell the aroma of brewed coffee coming from Sienna’s kitchen.
     Inside the studio, he starts to unveil a new blank stretched canvas.

@ @ @

March 30. Fidel unveils a gigantic orange portrait. It is a portrait of his wife posing beside their backyard barbecue grill, laughing very happily over broiling blue-black marlin.
     The unveiling of the portrait is slow, made after the guests in the house
—including Jesse and Captain Robert and Mang Juaning and Atty. Sevilla—sang the Happy Birthday to You song in the direction of Joanna. It’s a birthday bash for Joanna, the large portrait Fidel’s birthday present to her. There’s food and drinks on the dining area table and other tables by the walls of the hall. There is music, loud chamber music.
     Fidel unveils more orange paintings that he announced are part of his upcoming show in Manila. Joanna every now and then would run to the porch area to greet some new guests who have arrived. While all the food had made the house look like a buffet restaurant, Fidel’s new paintings have turned it into a packed art gallery.
     “Preview ‘to ng mga i-i-exhibit ko sa Maynila sa mga susunod na buwan, pare,” Fidel tells Jesse. “Di ko na tinuloy yung pinakita ko sa ‘yo. Baduy."
     “Buti naman alam mo, ‘pare,” Jesse says, laughing quite cheerfully, poking Fidel’s ribs.
     The orange paintings are portraits still, one of which is that of the Provincial Board Member, Atty. Sevilla, posing with the governor and the president of the Republic of the Philippines, the three of them raising a large blue-black marlin fish held by the tail as they look back at the painter, their bodies facing a basketful of fish on the right of the painting. All the portrait subjects are wearing wide smiles.
     “Fidel,” one of the elder guests says, “mukhang masasaya na yata lahat ng paintings mo, a.”
     “A, oho, napansin ko nga ho, e,” says Fidel, laughing. “Pero, sa totoo lang po, iyon ay dahil po dati gusto ko na nangingibabaw ang background—ang landscape o di kaya yung seascape—kaya mas maraming blue at green. Ngayon, nakafocus na ako sa tao, e. Marami na kasing nagpapaportreyt sa style ko, kaya lumipat ako sa orange, para sumaya naman. Maging mas mukhang masaya ang mga tao.”
     “Talaga ha?”
     “Oho.”
     Fidel’s brother Federico seems to have arrived, confirmed when Joanna called to Fidel, “Fidel, nandito ang kuya Fredric.”
     Federico arrived with Manuel White, the film director. Federico and Manny give Joanna a buss on the cheeks, giving her little wrapped presents as well, and then they shake Fidel’s hand to congratulate him on his new orange paintings. Some of the guests approach Federico to congratulate him on this or that achievement or award.
     Fidel is eager to hear what his brother has to say about his new collection. Frederico looks amazed by the paintings. He approaches the large painting of Joanna and says, “Ladies and gentlemen, may I have your attention please? May I now present my brother’s new politics!” Fidel gets nervous, unsure of what to do, what to say. “Mga kaibigan,” Federico continues, “tinutukoy ko po partikular ang politics ni Fidel sa paglikha ng mga portraits. Mga kaibigan, mukhang ang sinasabi ng aking kapatid dito . . .”—he points to one of the paintings—“ay ito. Kung ipipinta mo ang mga tao bilang nakikilalang mga tao ngunit hindi sila talagang nakaharap, tulad dito . . .”—he goes to an old Fidel Roxas painting still on a wall—“o nakatalikod kung kaya’t di maipakita ang kanilang mga ngiti, at nangingibabaw ang dagat o lupa sa kabila kesa sa mga tao sa harap, bagkus, ang mga taong ito, hindi mo sila maaaring mabasa o mahusgahan. Ang landscape o seascape o malabong humanscape sa likod ang mas mahalaga, bagamat nandun ang mga taong pinoportray. So ang mga portrait figures, wala silang pulitika, sila ay mga tao lamang na niyayakap ng kanilang palibot. Tama? Subalit sa mga bagong paintings na ito ni Fidel Roxas, mga kapatid,”—he goes back to the orange painting—“naroon at prayoridad na ang taong pinoportray. Nakatagilid pa rin ang katawan, oo, pero nakaharap na nang todo, halos, ang kanilang mga mukha, at mas masaya, dahil sa kulay, habang naroon pa rin ang mga hamak na isda na signature subject ng ating pintor. Kaya, masaya, masaya! Sabi nga ng isang sikat na mangangawit, ‘Sa wakas ay nakita ko na, . . . ang aking hinahanap!’ Mabuhay si Fidel Roxas!”
     Everybody acknowledges the toast, laughing and nodding and enjoying the party, and Fidel bows to thank them all, smiling, as Eraserheads’ song refrain, “sa wakas, sa wakas,” plays from the radio in the banana-cue stall in front of the Roxases’ house. (Some tambays—bystanders—watched the event or what was going on at the Roxas house from this banana-cue stall as they ate their banana cues).
     “Mga kaibigan,” continues Federico, “sa mga portraits na ito, tila handa na po ang mga subjects ng paintings na mangibabaw at hindi magpaalipin lamang sa kanilang palibot. Ang maging tagadala ng saya at hindi maging mga taong paalis o papunta lamang sa mga impluwensiyang nakapalibot sa kanila. Hindi na sila parang mga karakter lamang sa isang nobela ni Émile Zola. Ngayon, ang impluwensiya ay nanggagaling sa kanila. At ang tumitingin sa painting, sumasaya rin. At ako rin ay masaya ngayon para sa kapatid kong si Fidel Roxas, at para sa ating birthday girl, ang patuloy na inspirasyon ng aking kapatid na si Joanna Apostol Roxas. Magaling!”
     Everybody applauds.
     Imagine seeing this speech from the camera of Joanna, the birthday celebrant, now roaming around in her blue jeans and white blouse while clutching her new digital camera. We are not talking about the 17-year old Joanna who had been with us invisibly.
     “Isa na lang po,” says Federico. “O mas mabuti pa, si Fidel na ang mag-announce, dahil second-hand lang ang knowledge ko tungkol dito. Tinawag lang sa akin ni Fidel kaninang umaga. Fidel?”
     Fidel approaches Federico.
     “Uhm, opo,” Fidel says. “Gusto ko pong ipahatid, at sana’y masalubong ito ng inyong palakpakan, na nitong gabi ring ‘to . . . ang ating birthday celebrant, ang asawa ko, ay magsisimula nang bumalik sa paggawa ng mga maiikling pelikula sa tulong ng isang bagong digital camera at isang bagong producer! (applause) At ang producer na iyon . . . ay ako!”
     Wild applause, which started after Fidel’s mention of “paggawa ng maiikling pelikula.”
     Everybody proceeds to loudly sing the Happy Birthday to You song again toward Wana as she is now led to the table to blow the candles on a large cake made to look like a large film reel, brought in from the kitchen by two female high school best friends of hers and by Sienna.
     Everybody applauds after she blows the candles, including Vicente who seems to have suddenly appeared unnoticed at the main doorway.
     The 17-year-old girl at the beginning of this story is now roaming around with Joanna’s digicam and pans its lens across the suddenly-silenced guests. Her camera stops at Vicente. She drops her camera, which dangles from her neck, happily shouting “Papa!”
     The 17-year-old camera-girl has disappeared, and it is Joanna who is now in front of Vicente, saying in a near-whisper, “Papa?”
     The 17-year old cam-girl had disappeared into thin air, as we said, except the camera dangling from her neck, which is now dangling from Joanna’s neck. We have to repeat that, spell it out here, to make it all clear, not only to whoever would end up directing this film but to semanticists and semioticians as well, whatever that transfer may mean to them.
     Joanna later notices two soldiers beside Vicente who, along with the old man, are also sporting smiles. Everybody resumes their talk and joyous conversation, less boisterously this time, while Vicente and Joanna embrace their understandably tight and tearful embrace. Many of the guests conversing with another guest would turn their gaze toward the mystery of Vicente’s presence every now and then.
     “Saan ka nanggaling, Pa? Saan ka ba nagpunta?”



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15






No comments:

Post a Comment