Friday, July 30, 2010

Fidel's March: A Screenplay of a Novel (Chapter 14)



THEY ARE in a newly-restored, renovated house—in a beach-side village at the edge of Tacloban—done Federico Roxas-style, which means simple restorations sprinkled with a few modernist renovations of parts that have through time proven themselves to be impractical or illogical parts of the old structure. The final product would look absolutely postmodern, but only with subtle humor.
     After the male caretaker opens the front door to that part of the house above the coffeehouse renting the lower part of it, Federico tells Joanna, “Joanna, excuse me muna ha, me ipapakita lang ako ke Fidel dito sa taas. Tapos ikaw naman. Magkape ka muna riyan, okay?”
     So Joanna goes inside a receiving area, a room adjoining the renting coffeeshop’s main area. But instead of going inside the coffeehouse, Joanna sits on an old 1950s sofa in this waiting area, while Federico leads his still sulky brother by the elbow upstairs.
     Once upstairs, Fidel whispers a quiet “wow,” surprised and awed by what he sees. “Super-ganda nito kuya, a. Parang bahay mayaman na ‘to a,” he says, adding, “hindi ito ang bahay na kinalakihan ko.” He is now laughing a bit at last.
     “Wala akong binago halos, Fidel, in terms of the design, pinalitan ko lang o ni-revitalize ang ilang lumang kamoy. Siguro sa me kailangan idagdag, mga art deco na ilaw dito, mga polyurethane varnishing do’n. Tulad halos nung ginawa ko sa bahay mo two years ago, remember?—wala akong binago sa old parts, ni-restore ko lang ang lumang disenyo. Tinaasan ang bubong, yun lang ang renovation dito. Me konting renovation din sa baba, oo, pero mostly restoration pa rin. Hindi ko puwedeng baguhin nang todo kasi dito tayo lumaki e, di ba? Lahat ng lumang bahay sa Pilipinas me mga tulad natin na lumaki roon, at sa tingin ko lahat ay ayaw na may nakikita silang nabago nang todo kahit sa kanilang mga renovated na bahay. Ganun din ako. Ayokong makalimutan natin ang buhay natin noon, ang lahat ng magaganda at pangit na alaala, I’m sure you can sympathize.” He raises a finger and points to the main object of Fidel’s gaze. “Itong parte ng bahay, ito lang ang may binago ako nang todo rito.”
     Federico goes to a large curtain, with what looks like sunlight behind it, and pulls it down to reveal a newly-polished closed faux-capiz-shell-paned large window that looks more like a large door. As it turns out, it is a door.
     “Yung mga muntins nito, ka-va-varnish lang namin kahapon nang hapon, pagkarating ko.”
     Fidel is amazed, momentarily forgetting himself.
     “Walang bintana rito dati, kuya,” he says, beaming with a smile.
     “Nabubulok na kasi ang kahoy sa dingding dito, Fidel, nauulanan na kasi nang ilang dekada, naaalala mo? Buti nga hindi inanay e. Papalitan ko lang sana ng bagong dingding, e. Pero nung inalis ko ang dingding bago ako umalis for Thailand, . . . nakita ko itong view. Sorry nga pala hindi na ako nakapunta sa inyo no’n para magpaalam.”
     Federico opens the window-door to a beautiful terrace stretching beyond the house’s eaves. It had wrought-iron railings, and the terrace overlooked a Tacloban seaside slum.
     “So, yun, dinagdag ko na ‘tong terrace,” Federico goes on, with Fidel speechless toward everything he is seeing for the first time. “Ginawa ng contractor habang wala ako rito, pero pinadadalhan niya ako ng photos ng progress.”
     “Ang ganda, kuya,” says Fidel, in a whisper again, ceaselessly open-mouthed.
     “Maupo tayo rito, Fidel,” says Federico, dragging two antique wrought-iron-backed chairs to the center of the room so they could sit looking at this window-door and the open terrace behind it and the Tacloban slum beyond.
     “Nung inalis ko ang dingding, ito ang view na nakita ko. So, . . . what am I saying? Well, . . . narito sa maganda at pangit sa view na ‘to ang aking pulitika, Fidel.”
     Fidel looks at him, but soon smiles, shaking his head once, still quite awed, though confused by his brother’s point.
     “Mukhang ang mahal ng terrace, di ba?” says Federico. “Alam mo, sa pulitika ng ibang arkitekto, ipasasara ‘to, para di makita ang bahay ng mga mahihirap sa slum na ‘yan at para di makita ang nakaka-depress daw na sunset na iyan. Pero hindi ako ganun. Sa slum na ‘to nakatira ang mga kalaro natin noon na minsan ay binibisita natin, hanggang ngayon, di ba? Gusto ba natin silang kalimutan? Sabihin mo na na puno ako ng cliché, pero yun din ang dapat tinatanong ng lahat ng bahay Pilipino, di ba? Narito, Fidel. Narito sa dating dingding na ito, sa ating silid-laruan at tulugan noon, . . .  narito ang pulitika ng bahay na ‘to ngayon, Fidel. Sabi ng ibang arkitekto, ang buhay daw ng bahay . . . ay nasa hitsura nito sa labas at hitsura nito sa loob. Ang sasabihin ko sa kanila ay ito: ang buhay ng bahay ay nasa mga bintana nito. Saan nilagay ang mga ito, saan hindi? Aling mga bintana ang nakabukas, alin ang parating tinatabunan ng kurtina? Fidel, ano ang bahay kung walang bintana? Ano ang buhay kung walang pulitikang nanggagaling sa kaalaman mo tungkol sa kung aling mga bintana ng iyong pag-iisip ang nakabukas, at alin ang nakasara? Ang bintana ang pulitika ng bahay, di ba? Yun ang sasabihin ko sa kanila. . . . May isang bahay akong alam na may pulitikang ayaw makialam sa nangyayari sa labas. Actually, maraming bahay ang ganun, kahit mga bahay-mahirap. Minsan nga pag nasa mga ganung bahay ako, naaalala ko ang mga painting galleries, na karamihan ay sarado, halos walang mga bintana, at lahat ng paintings ay iniilawan lamang ng mga exaggerated na ilaw. . . .”
     Fidel is speechless with a smile, still a bit of a sad smile but a smile nonetheless, very, very quiet and not interested in replying. And puzzled still by his brother’s words in his usual lecturer’s language.
     “Anyway, . . . actually, . . . actually dinala kita rito para ma-divert ang atensyon mo sa ibang mga bagay. Pero . . . ano man ang gagawin mo sa art mo from this point on, Fidel,” says Federico, “pakialay sa inaanak ko. . . . Ke Pablo Picasso Apostol Roxas.”
     Federico shakes his head once, tears welling a bit in his eyes again, but he quickly wipes his nose, musing at a picture on the wall, then says, “Alam mo, Fidel, ako wala pang asawa, wala pang anak. Pag ako nagkaanak, bro, yun din ang ipapangalan ko sa kanya kung lalaki. Pablo. Dahil . . . dahil nagsisisi ako sa mga pinayo ko sa iyo noon, Fidel.”
     Federico wipes his eyes with a handkerchief.
     Fidel protests, saying, “No, no, no, kuya, . . . ano ka ba?” He stands up. “Wala kang kasalanan, kuya. Sabi mo nga, ialay natin ang mga gagawin natin mula ngayon ke Pablo. At alam mo? Alam mo, tama ka. Dahil sa tingin ko, at ngayon ko lang naisip ito ha, . . . baka nga namatay si Pablo para sa art ko. (He pauses, cries again) Para bang . . . dahil may kailangan akong makita. at kailangan pang mamatay siya para makita ko yun. Namatay siya para sa akin, kuya. Hindi para sa iyo, o sa bayan, o sa Diyos, kundi para sa akin, kuya, sa akin! Pinatay siya ng Diyos para mapansin ko siya. . . . Dahil ang alaala niya ang magdadala sa akin sa mga bagay na kailangan kong makita, na hindi ko nakita noon.”
     Fidel sits, exhausted. He adds, whispering, “ako, kasama ng isang lamok na may dengue, ang pumatay sa kanya.” He sniffles.
     “Pero, Fidel, look,” says Federico, “hanggang ngayon ay may paniniwala pa rin naman ako sa isang bahagi ng pulitika ko, Fidel. Ngunit nagkamali ako sa area ng praktikalidad nito. At pinasa ko ang pagkakamaling ito sa ‘yo. So, baka pareho nga lang tayo, parehong dapat sisihin. . . . So, anyway, . . . narito tayo ngayon, at ano itong pinapakita ko sa iyo rito, at bakit kita dinala rito ngayon, maliban sa hangad kong i-distract kita pansamantala sa pagluluksa mo? Ito! Ito ang pulitika ko na di ko kinahihiya at di ko pinagsisisihan! . . . At ang payo ko sa iyo, . . . ikaw rin, Fidel. Ikaw rin sana ay dapat may pulitika sa art mo na tulad ng sa akin, mayabang man ito pakinggan! Ang ibig kong sabihin, pulitika na hindi nakapako sa nakaraan o sa teksto ng mga utopia kundi pulitika na ang-e-evolve, ikanga. So, okay. Ano ang nangyari? . . . Oo, inisip ko, bakit ba tayo nag-e-aircon sa mga bahay natin gayung masarap ang hangin sa probinsiya, kahit ba paminsan-minsan ay nahahaluan na ito ng amoy ng mga diesel fumes mula sa mga jeepney at gasoline fumes mula mga tricycle na dumadaan, o ng amoy ng tae ng aso na di maisipang disiplinahin ng ating mga lokal na pamahalaan? Naging makaluma ako masyado, naging konserbatibong uri ng postmodernist kuno (he scoffs), maka-masa o maka-tao o maka-bansa ang hangarin ngunit hindi naisip ang mga detalye ng pagbabago ng panahon. Naisip ko lang ang abstraktong pagbabago. Ang pagbabago na dala ng modernism, ang rebolusyon na dala ng postmodernism. Pero ang mga detalye! . . . hindi na nga ako nanonood ng news e, pa’no ko ba maiisip ang significant increase ng dengue outbreaks nitong 2000s na ngayon ko lang nalaman mula sa iyo on our way here? . . . Hindi ko naisip ang laganap nang mga lamok na may dengue, Fidel. Ako, Fidel! Ako! Isang tanyag na arkitekto na kung saan-saang conference nagpupunta, alagad daw ng sining, ako ang pumatay sa sarili kong . . . sa sarili kong pamangkin at inaanak, dahil ang pulitika ng art ko ay naging mali! At pinasa ko kamaliang ito sa pamamagitan ng mapilit kong mga payo! . . . Para akong makamasang nobelista na . . . na nagbebenta ng mga libro ko sa bookstores ng middle class! Gaya ng sabi ko kanina, ang pulitika ng isang bahay ay nasa mga bintana nito, di ba? Ngunit ang pulitika ng isang bintana . . . ang pulitika ng isang bintanang walang screen ay ano? Isa siyang estupidong pulitika!!!”
     Federico sits, looking out the window with sad eyebrowsFidel, realizing how deeply his brother has now also blamed himself for Pablo’s death, feels he ought to respect his brother’s thoughts for now. He looks at his elder brother but remains silent, then says, softly:
     “Kuya, hindi ikaw ang pumatay ke Pablo. . . . Kuya, pinatay siya ng lamok na hindi natin napansin. Lahat tayo na di nakapansin sa mga nangyayari sa palibot natin ay katulad din lang ng mga lamok na di rin naman alam ang nagagawang lagim ng kanilang kagutuman at pagkauhaw. Hindi rin kasalanan ng mga lamok, di ba? Dahil lamok sila, kelangan nilang kumain o uminom ng dugo ng kanilang mga kapitbahay na hayop. At hindi rin kasalanan ng tao o ng mga artists na tulad natin na, sabi mo nga, naging mabagal ang mga mata sa ebolusyon ng mga bagay na nasa labas ng studio, sa mga puno man ito o sa kanilang mga kapitbahay nangyayari. . . . Pero, sa takbo ng panahon, . . . nararating din naman natin ang kaliwanagan. Mabagal, oo, dahil mabagal ang ebolusyon, kuya. Mga tao lang din tayo na hindi nakikita ang lahat nang agad-agad. Minsan, kailangan may mangyari para tayo ay maalimpungatan mula sa ating mga pagkahimbing. . . . Hindi ko ito sinasabi para sumbatan kita, o sumbatan ang sarili ko o sinuman. . . . Sinasabi ko ito dahil sa mga naging maliwanag sa akin ngayon, salamat sa mga sinabi mo ngayon, kuya. . . . Mabuti at . . . mabuti’t . . . mabuti pa tawagin na natin si Joanna, para makita niya itong ginawa mo rito. Salamat dito, kuya.”
     But Joanna was already there by the stairs’ uppermost steps. She had been on the stairway all this time, listening to the brothers. And now the three are standing in front of that, Federico’s new window-door, Fidel and Joanna admiring Rico’s achievement in that part of the house, framing like a painting a moving slum under a noon sun.

@ @ @

Some neighbors are eating banana cue in front of the banana-cue stall across the Roxases’ house, buzzing with rumors, like mosquitoes hungry for blood news. The Roxas’ new Toyota Corolla car arrives. It’s not really a new Toyota Corolla, more of a new-looking second-hand one. But it’s the Roxases’ car now, replacing their Ford SUV Fidel sold to Atty. Sevilla.
     “‘Yan,” says one of the banana cue eaters, “nakarma. Sandali lang, nakarma agad. Mayabang kasi.”
     “Ano ba’ng pinagsasasabi niyong mayabang, kayo talaga? Kelan ba nagyabang sa inyo ‘yan? Di na kayo naawa, a, wala namang ginagawa sa inyo yung tao, a,” says the banana-cue vendor. “Namatayan na nga, . . . lahat dinadaan niyo sa inggit! Pag ‘di na kayo naiinggit, natutuwa kayo, sasabihin niyo nakarma?”
     “E, nakakainis e, mayabang e.”
     “Ano ba’ng mayabang, hindi ba ikaw ang mayabang?” says the banana-cue cook. “Lahat ng taong dumadaan dito, akala mo nagyayabang sa ‘yo. Sino ka ba para pagyabangan ka nila?”
     “Aba, aba, aba, aba. Yabang mo rin a, di na ako bibili ng banana cue mo e.”
     The other guys around the stall laugh. The banana-cue vendor, grinning, goes silent.

@ @ @

Inside the house, Joanna is talking to her father on the phone.
     “Pa, kumusta kayo riyan? . . . Aba, nagsimula na ang shooting niyo, ang galing naman. . . . Ako? Haha, saka ko na lang ho itutuloy ang sa akin, Pa, naubusan ho ako ng film e. Mga digital scenes na lang muna ang isu-shoot ko. Pero baka next week na, may mga inaasikaso pa ako e. . . . Hay, naku naman, Pa, malaki ho kasi ang nagastos ko sa ospital, Pa, e, tsaka sa cremation at funeral ni Pablo. . . . A, okay. . . . Okay, sige po. I miss you rin po. . . . Ho? . . . Ha, talaga?! . . . O, so, dito sa Leyte?! Wow! . . . Bukas?! Ay, naku, Pa, . . . e, hindi pa ako nakakapaglinis ng bahay! . . . O sige, sige, kita na lang tayo, then. Bye, Pa. Have a nice flight. I love you, too. Bye.”

@ @ @

Vicente is sitting in the Roxases’ living room with a couple of bags and a large box in front of him. Fidel is also in the living room.
     “At ang big surprise ko sa iyo, eto,” Vicente is saying as he reaches for something from a one-square-foot carton.
     He brings out a box for a new hard disk.
     “‘Yan, sa ‘yo na ‘yan, para sa susunod mong short film. Kelangan mo ng dagdag na hard disk, baka di makaya ng computer mo ngayon ang load.”
     Joanna is almost teary-eyed again, but this time from joy.
     “Ingatan mo yan, ha? Lahat ng sinuweldo ko sa studio diyan lang napunta.”
     They laugh, knowing he’s kidding.
     Fidel is happy for Joanna too and joins in the laughter.
     “Alam mo ba, sabi ko sa producer, sa susunod kong pelikula, ang co-director ko ay ikaw.”
     “Ha?! Naloloko ka na ba?” Joanna says, but is ecstatic.
     “Okay ba sa iyo yun, Fidel?” Vicente asks Fidel.
     “Aba, okey na okey.”
     Vicente laughs. But his smiling face suddenly turns sad.
     “Nga pala, ngayon lang ako binigyan ng break ng mga producer ko at ng military at police. Meaning, since ngayon lang uli ako nakabalik dito, . . .maaari bang patingin ng tomb ni Pablo?” he says.
     Joanna looks at her father. Fidel, likewise. Then together they walk to the hall’s backdoor to the back porch leading to the garden.

@ @ @

Vicente goes near Pablo’s little tomb by the pond in the Roxases’ backyard garden. Inside a glass box upon a rock in the middle of the pond, Pablo’s urn is surrounded by the boy’s toy cars. Vicente goes into the pond and kisses the glass box.

@ @ @

March 3, the next year, 2010. There’s a phone call from Ms. Lanuza. Joanna calls Fidel. Vicente is having breakfast.
     Fidel comes running to the phone and turns on the phone’s speaker so Joanna could hear whatever it is Ms. Lanuza has to tell him, good news or bad.
     At the other end of the line Ms. Lanuza says, “Fidel, gusto ko i-reexhibit ang orange painting series mo, . . . pero gusto ko, isang bagong collection ng orange paintings. Same thesis, as you would call it, pero new collection/ Okay? Tapos, yung older orange series mo na wala akong na pre-sell at post-sell (she sighs), isasama ko sa exhibit, sa isang alcove ko rito ididisplay. So, parang early retrospective mo ito, ano. Naisip ko kasi, magandang selling point ang maipakita ang resilience mo, ano, anak, at yang dedication mo sa thesis mong ito. Di ba? Makikita ng buyers na hindi ka natinag ng kawalan ng market dito sa bago mong direction! If we show that, I think many collectors will jump on this as a bandwagon for you. . . . Actually, it’s because sabi ng isa kong kliyente, gusto daw nya yung bago mong kulay pero kung aalisin mo raw ang saya for this color, bibilhin daw niya in advance ang lima, at least. Gusto daw niya kasi yung luma mong malulungkot na paintings, yung may melancholia, di ba? So, yun. Gusto raw niya ng orange series, pero yung may melancholia pa rin. Bibilhin pa raw niya ang maraming ganito para sa sunset-side café ng hotel niya sa Bacolod. Di ba? How much more clichéd can you get, hahaha? Pero, I would like to know what you think.”
     Fidel sighs.
     Then he says, “Ma’am, Ms. Lanuza, . . . can I call you back?”
     It did not take long for Fidel to think about the idea. He calls Ms. Lanuza back, saying, “ma’am, ipagpaumanhin nyo po, pero mag-bi-break po muna uli ako. Siguro bigyan niyo lang po ako ng mga isa, dalawang buwan pa bago kita masagot.”
     “Aba, sure, hijo. Pero, alalahanin mo lang sana na maraming artist ang kumakatok sa dealership ko at ayaw ko naman na masapawan ka ng mga bagong pangalan. Sabi nga, out of sight, out of mind. Baka makalimutan ka ng mga kolektor kung matagal kang mawala, ano, marami kasing batang nagsusulputan ngayon. Kung wala akong kikitain from you mapipilitan akong kumuha ng somebody else to earn from, di ba? E, pa’no ‘pag nagustuhan sila ng mga fans mo at iwan ka na nila? I’m just worried for you, anak, you know that naman.”
     “Of course, ma’am. Di bale po kung maraming aayaw na sa akin, call ko po yun. At maraming salamat po sa mga naitulong niyo sa akin, Ms. Lanuza, ma’am.”
     After a bit of silence, Ms. Lanuza says, “Naku, Fidel, don’t thank me. At huwag ka ngang magsalita nang ganyan, para ka namang nagpapaalam niyan, mag-aabroad ka ba? Marami pa tayong pag-uusapan, at ipaglalaban pa rin kita, okay?” she says, nervously laughing.
     Fidel laughs back.
     “Opo, sige ho. Thank you po. . . . Sige po, ma’am, ba-bye.”

@ @ @

On the other end, Ms. Lanuza is surprised at Fidel’s seeming indifference; not angry, but puzzled.
     “Ilang buwan? Ilang buwan, Fidel?” she says to herself.
     “Ms. Lanuza, ito po yung mga bagong booking proposals,” a girl says, handing her what looks like a list.

@ @ @

Fidel’s new old car is coming out of his house’s gate. The car soon disappears like a ghost, fades like a ghost, while turning a corner.

@ @ @

While on the road, Fidel sees his father-in-law’s red old car coming. He slows down and the old car slows down, too. Fidel lowers his driver’s-seat window and the driver of the old car does the same.
     The old car’s driver, Vicente, says, “May lakad ka yata.”
     “Opo, Pa, maniningil lang. Nandun po si Joanna sa bahay.”
     “O, sige, may groceries ako for you with me. Sige!”
     “Uy, Pa, nag-abala pa po kayo. Pero sige po, Pa, thank you po, see you po mamaya.”
     They smile and nod at each other and their cars go their opposite ways.

@ @ @

Seconds later Vicente’s old car arrives at the Roxases’ street, stopping near the Roxases’ house. Vicente is about to get out of the car to open the gate to the house and drive the car into the house's driveway when he sees an imitation Willys MB jeep with its top up parked across the house beside the closed banana-cue stall. You would say the banana-cue stall, though still open at its sides, is closed when a plastic curtain is covering its front and no cooking is going on. No men are on the jeep, but Vicente swiftly gets out of his car and runs toward his daughter’s house. As he nears the gate, five men coming from behind the banana cue stall take out guns from under their jackets or from bags and start gunning Vicente down. They then get away on their fake Willys MB.
     Joanna, who has heard the gunshots and later sees her father’s car from the porch, now runs down the house’s front porch and out the gate, screaming toward her father now lying on the ground in front of the gate. She cries and shouts, “no, no, no! Pa! No, Pa!” . . . kneeling over her father’s bloodied body as it slowly dies. She starts pumping her father’s chest and does not stop until she is exhausted, seeing blood pumped out of his father’s mouth. She is crying. Several people promptly gather around Joanna and the dead body of her father, telling each other what just happened.

@ @ @

March 4. At Vicente’s wake at the Roxas house, there are artists and visitors from Manila. The movie production studio’s lawyer is talking to Joanna. Dennis, who’s now 23 and a fresh graduate, is in the living room, sitting near Vicente’s coffin. Above the coffin, Pablo’s urn is now on a shelf, removed from his backyard tomb.
     “Gusto sanang magpa-vigil ng movie studio para sa Papa mo sa Manila Cathedral, Joan.”
     “Hindi na po, Attorney, ayoko. Alam ko aayaw ang Papa ng ganun kung matatanong natin siya. You see, . . . kahit punong-puno siya ng pulitika, Attorney, alam mo, . . . ayaw niyang pinopoliticize ang buhay niya e. Natatawa nga ako minsan e. Tsaka alam mo, Attorney, pumasok ang Tatay ko sa sine, first for economic reasons. Yun lang ang alam niyang trabaho e. Later, naging for political reasons. Pero, siyempre, sa gitna nitong lahat, mayroon din siyang ibang kaligayahan na di nakikita ng iba. Ang kaligayahan niya, halimbawa, sa simpleng makita lang ako na may hawak na kamera. Little Vicente raw ako e.”
     Joanna laughs a bit while wiping tears with a kerchief, trying to control herself. They are silent for a while.
     Later, the lawyer says, “Uhm, Joanna, . . . me nakukuwento sa akin ang Papa mo, about your financial standing.”
     “Ha?” She is not so much surprised as suspicious.

     “I’m sorry,” continues the lawyer, “pero—habang nag-sho-shoot siya noon, at tuwing kinakausap kaming mga producers niya, informally of course, parati ka niyang minimention e. Iniisip niya kung paano ka niya matutulungan. I mean kayo, kayong mag-asawa. . . . So, kumusta ka naman? Kumusta kayo?”
     “Makakaraos naman siguro kami, Attorney. Baka temporary lang ang lahat nang ito.”
     “Halimbawa, Joan, ano ang balak mo sa bahay niyo sa Tacloban? Puwede akong mag-arrange for a buyer. Unless gusto mo saka na natin pag-usapan.”
     “Hindi, Attorney, okay lang. Alam mo, baka do’n na nga kami tumira e. Maraming bad memories ako sa bahay na ‘to, except of course pag nakikita ko ang tomb ni Pablo sa pond sa likod, sumasaya rin ako nang kaunti, na para bang buhay siya at naglalaro lang sa garden tuwing nakikita ko ang toys niya roon. Pero, like I said, napagdesisyunan na namin na baka mas mainam na sa Tacloban na lang kami at paupahan na lang namin itong bahay at ilipat na rin ang tomb ni Pablo sa Tacloban. Sayang kasi ang investment namin dito, both financial and emotional, kung ibebenta namin ito.” She laughs. “Tingnan mo nga naman yan. Akala ko noon na ang sarili kong bright future ay narito, sa kabila ng San Juanico, sa kabilang isla na ‘to. Yun pala, babalik din ako sa aking pinanggalingan. Sabi pa nga ng Papa,” aiming to mimic his voice and be funny, “ganun ang pulitika ng tao, hindi lang sa mga bagay na gusto niyang makamit, nasa mga bagay din na ayaw niyang mawala.” She laughs at her own imitation of her father, then looks at his coffin. “Pero kahit ang mga bagay na yun, ang mga bagay na iyon na ayaw kong mawala, . . . mga alaala na rin lamang ngayon. Ang bahay na babalikan ko, bagamat mababalikan ko na, ay mananatiling alaala din lamang, in a sense.”
     She looks at a wall.
     Fidel is now behind Joanna and has overheard what Joanna just said. It almost repeats in his ears.
     He recalls what his friend’s model Karissa said to him that night of their one-night stand, night of his cheating: “Walang lalaking marunong makuntento, wala akong kilala. Hindi ba mas makikita nila ang kanilang mga sarili sa mga bagay na nasa kanila na? Di ba? Sa mga bagay na ayaw nilang mawala? Bakit hindi yun ang alagaan nila, at doon nila hanapin ang kanilang mga sarili?”



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15






No comments:

Post a Comment