Thursday, September 16, 2010

Tagayan ng Tubig sa Kubo


Sa tingin ko ako ay magtatagumpay,
Tatalon sa dike, kumpare, tatawid sa
Di na kailangang tulay, makararating
Sa basang pampang ng inaasam kong
Kasaganahan. Yeah, ‘pare, I believe

So, so huwag na akong magmukmok
Sa kasalukuyan, tumingin na lamang
Sa malayong rainbow, in another sky,
Everyone’s mirage, ‘pare. Hala, tagay.
Pero alam ko rin, di ko na matitikman

Ang prutas nitong itinanim kong puno,
Di makikita ang wagayway ng dahon
Sa hangin ng mariwasa nitong gubat
Na bukas ay beberde sa ating asul at
Kayumangging magiliw na awiting

Tila hanap nang hanap, mga isdang
Mapupulutan man lang. Sige, tagay.

No comments:

Post a Comment