1. Katorpehan
Okey, alam ko, ninais kitang mahanap, makapiling,
Ngunit ni kalahating hakbang man lang di ginawa,
Di naawa sa sarili kong pag-iisa. Okey, okey, mali
Yon. Awang-awa ako sa sarili ko, I know that, pero
Ang nakikita ko’y pagkapilay ng tadhana, kawalang-
Paa ng mga kabayong paralisado ang mga pagnasa.
Guilty ako. Ako. Akong sa napakahabang-panahon ay
Walang sinamba kundi ang paghihintay na unahan mo
Ako at kausapin mo, dahil alam mo namang pipi ang
Mga pagsamo ko sa tila bulag at tanga mong pag-ibig.
Alam ko ring wala kang ibig kundi ang makita itong
Martsa ko na humakbang nga, kahit habang-panahon
Ay nabibingi ng di marinig o maintindihang mga awit.
2. A Quadrilingual Coffeetable Poem
May panukala akong gustong ihain sa hapag-kainan
ng ating lipunang maka-sining.
Ngunit ilan ba sa inyo ang mahilig sa suman, ilan
sa paella o hamon o foie gras?
Kakausapin ko pa ba kayo sa coffee shop mamaya
o didiretso na tayo sa carinderia?
3. Geography Untrammeled
Ano ba ang ibig sabihin ng pagmumuni-muni?
Must it be about money? Or poverty? Or death?
Pwede bang pagmunimunihan—sabon ni Beth?
No comments:
Post a Comment