Sunday, October 24, 2010

Bilog ang Mundo Rito (Sa Slum)


Something’s cooking pa sa kalan
   at wala pa ang enemies natin.
Alam ko, kaiinggitan ang ulam
   nating nakahain, na naman,
ang linamnam nitong bunga
   ng paniniwala sa matuwid
na pamamaraan, na walang
   pagmamayabang, kung kaya’t
di dapat kainggitan sapagkat
   kung merong dapat pagalitan
ito ay ang Maykapal, dahil tayo
   ay witness lamang, niluto
lang natin ang nakita sa bakuran.

Lahat ng tao’y may bakuran, o
   kung wala man may maituturing
na yaman. Mula Baclaran . . .
   hanggang Bulacan o hanggang
Bataan, ang mga walang bahay,
   ang mga squatter lang, gising
na sa umagang maituturing na
   biyaya ni Bathala para sa
isa na namang araw sa digmaan—

   hindi pakikidigmang kikitil
ng buhay kundi ng nabubuhay na
   sasailalim sa mga kasakiman
at kawalang-pakialam sa mga di
   nagkamalay sa inherited wealth.
To health! Itaas ang kape sa baso,
   tikman na natin ang nakahaing
simpleng nilagang itlog & marami
   pang gagawin sa mundong bilog.

No comments:

Post a Comment