1. Sigawan Sa Gabing Madidilim Sa Mga Darating na Rehimeng Mahalay
Tulad mo, siya’y minsa’y nawawalay sa mga anak.
Sino’ng makapagsasabing di sila mapapariwara’t
Mababarkada sa mga binata at dalagang bulakbol,
Puro basketbol ang alam, mahal na shabu, shabu-
Shabu matapos mag-inuman? Sino? At sino silang
Makapagsasabi na malayo ang aksidente, disasters
Our era—of drugged emotions, machismo—does
Permit? At pagdating sa pa-Inglesang magaling, sa
Imbestigasyon ng pulis at ng mga abugado, katulad
Mo, ano ang magiging laban ng kawalan kumpara sa
Impluwensiya ng gumugulong na inipong pera para
Sa lahat ng hahawak, susunog, maglalakad, magma-
Magic, mag-lologic, mag-iinterview, mag-rereview?
Tragic magic! Ipapasa-Diyos na lang iyang nahalay
At namatay mo? Mga Diyos-Diyosan dito, kaninong
Diyos ba siya tatakbo? Sa Jews’? Saan? SA-AAN?!!
2. Martsa ng Bagong Umaga Sa Likod ng Lumang Korteng Matakaw
Sa sarap ng agahan ninyo di niyo ako napapansin.
Meron sana akong sasabihin, pero alam ko rin na
Wala ritong tatanggap dahil ito’y pisong salita
Lamang. So, okey, di ko ipagpipilitan, ako ay
Pipilipit na lang muna, dahil alam ko namang sa di
Maiiwasang pagliko ng sinag ng araw may dadakpin,
No comments:
Post a Comment