Tuesday, September 21, 2010

Nicene Greed


Fully aware of what I seem to be doing, ako’y wala nang
     magagawa
Kundi ang ipaalam sa sarili ko sa dilim na this has happened
     already,
I can’t do anything anymore about it, kaya huwag nang isip-
     isipin pa

Itong sitwasyon, mga pagkakaibigan o pagsasamang nasira,
     sinira.
At bulong ng konsyensya ko sa dilim, you can’t deal with it,
     can you?
You ought not! Mula ngayon, do’n ka na lang, ke Arius? Na
     malawak

Ang pag-unawa, pasensya, talentong magpakumbaba, sa mga
     liberal,
Sa kung kanino, sa mga sitwasyon, ay walang pagsasamang
     magdadala ng
Giyera, maliban na lamang kung nandyan na si Theodoric the
     Great.

Dahil, unang-una, pare-pareho tayong uhaw, pare-parehong
     gutom,
Lahat tayo nag-aambisyon pa lamang na makapagtayo ng
     relihiyon
Na lalaban sa posisyon ng Lumang Roma tungkol sa subject
     na Truth.

Ilabas ang blood broth, ipasapasa hanggang sa dulo, mga
     ‘pare’t ‘mare,
Lahat tayo, we believe in God, the Father Almighty, and the
     Son is . . .
The Sun? Whoa, pagtatalunan na naman ba natin yan? Mag-
     inuman

Na lang tayo ng dugo ni Kristo, break bread! Unless
     negosyo na ‘to.


Friday, September 17, 2010

Ilabas, Ilabas


1. Ito Na ang Huling Bank Robbery ng Makabayang Makatang si Inggo

Ako’y narito na, alam mo ba, kumakaripas
Sa runway, ito ang aking inaasam na flight
Tungo sa iyong pagbigay-pansin. Ano ang
Masama ro’n? Oo, totoo ngang kasalukuyan
Kong pinagpilian ang dalawang ideyalismo,

Una, magsilbi lamang sa ‘yo bilang laman
Ng puso ko, ang pangalawa, sa nasa langit—
Hindi dawit ang mga santo kundi, higit do’n,
Ang pangit na asal ng di pakikialam, busal ng
Pagkawalang-ideyolohiya, tanging sunbather

Lamang sa beach ng D-Day ko. Yawa, inday,
Ngayon mo ako pinapipili na magagampanan
Ko na ang parehong direksyon? May kapital,
Ako na ang kapitan, kapus-palad ako noong
Nakipagkontsabahan sa mga salamangkero.

Ako’y narito na, alam mo ba, nakakalas na
Mula sa aking hangar, palipad, at hindi para
Ma-hanger muli kundi maamoy ang simoy:
Mga sagot mong “oo, sige, oo.” Pipiliin ko,
Pipilitin ko, ang makabubuti lamang sa iyo,

Although walang garantyang mabibitawan
Ko ang matagal ko nang inasintang pagtula,
Pagpabola, o pagbulalas ng mga likha; oo’t
Di ‘to makabibili ng trust fund, pero ba’t ba
Natin iisipin iyon, love? Mabubuhay na tayo

Sa dasal! Ilabas ang inasal ng bagong kasal!


2. Huwag Matakot Matapos Manalo sa Lotto

Di dapat maghari ang hangin ng tadhana
Sa layag ng kapilyuhan. Mangyari pa’y iliko
Ang Titanic na kasaganahan bago ang yelo
Ng pagparusa at pagbawi niya’y lantaran
Na maghayag ng kanyang gabi at lamig.

Dahil, firstly, alam mo ang kasaysayan.
Pangalawa, mulat ka’t ang tanging lumpo
Sa iyo: yamot mong bulsa. Ilabas ang balsa,
Itapon ang balisa mong pag-panic, alerto
Kang sumabay sa alon hindi dahil ayaw

Mo nang lumaban sa hangin, kundi alam
Na alam mo kung kailan ka bubuwelo muli
Tungo sa mga nakadungaw’t  di na umaasa.
Ilabas ang balsa sa tamang oras. Waldas ka
Sa pagparaya, ngunit masdan ang tadhana.

First of all, alam mo itong mga parating—
Hindi pating o kalansing ng nawalang lotto
Mo kundi simpleng kumot na gugulat ‘pag
Nagising ka mula sa iyong mga panaginip
Dahil sa malamig na ihip. Di ka magpapanic.

Thursday, September 16, 2010

Tagayan ng Tubig sa Kubo


Sa tingin ko ako ay magtatagumpay,
Tatalon sa dike, kumpare, tatawid sa
Di na kailangang tulay, makararating
Sa basang pampang ng inaasam kong
Kasaganahan. Yeah, ‘pare, I believe

So, so huwag na akong magmukmok
Sa kasalukuyan, tumingin na lamang
Sa malayong rainbow, in another sky,
Everyone’s mirage, ‘pare. Hala, tagay.
Pero alam ko rin, di ko na matitikman

Ang prutas nitong itinanim kong puno,
Di makikita ang wagayway ng dahon
Sa hangin ng mariwasa nitong gubat
Na bukas ay beberde sa ating asul at
Kayumangging magiliw na awiting

Tila hanap nang hanap, mga isdang
Mapupulutan man lang. Sige, tagay.