Tuesday, May 3, 2011

Iilang Tao (o, Plutokrasya)


At tayo’y dumating, dala ang paniniwala sa malaya
at bukas na lipunan sa ating bayan. Samakatuwid,
yanig nung sabihin sa ating ang kataastaasang diwa
sa lupain natin ay ang pagsunod sa mga batas, hindi
ang diwa ng boses na kumukuwestyon sa kakulangan
o kabaliwan ng iilang batas. Kaya tayo’y nanatili,
na may hikbi sa dibdib na kabado sa armadong may
kautusang panatiliin ang kataastaasang katwiran
ng nangangatwirang mga batas, kahit pa nangangatal
na ang gutom-sa-hustisyang lipunang sabi niyo’y
para sa kanila ang batas. Kaya tayo’y nagpupumilit
sa paniniwalang ang pagsuway sa iilang maliliit
na batas ay ang tanging daan tungo sa paghubog ng
bagong malalaking hakbang, tungo sa kataastaasang
diwa ng tao, mula sa tao, at, oo, para sa tanang tao.